Granada natagpuan sa labas ng UE Manila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Granada natagpuan sa labas ng UE Manila
Granada natagpuan sa labas ng UE Manila
Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Aug 29, 2017 10:03 AM PHT

Isang granada ang natagpuan sa loob ng University of the East-Manila Martes ng umaga.

Kinumpirma ng Manila Police District Explosive Ordnance Division na isang MK2 fragmentation hand grenade ang natagpuan sa unibersidad.

This morning's suspected item outside the vicinity of UE Manila's Recto gate has been removed and the gate is now open. Thank you, Warriors.
— UE Univ. of the East (@Official_UE) August 28, 2017

Ayon kay MPD-EOD Chief Senior Inspector Arnold Santos, isang street sweeper ang unang nakakita na may kahina-hinalang bagay sa Recto gate ng kolehiyo.

Sinabi ito ng naturang street sweeper sa security guard, na siyang nag-report sa MPD-EOD.

ADVERTISEMENT
Agad na rumesponde ang MPD-EOD at nagsagawa ng safety procedure.

"Hindi siya capable to explode without detonator, ibig sabihin walang detonator. Kulang yung parts pero ito ay naka-safety pa, naka-tape intact yung kayang safety pin," sabi ni Santos.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang insidente sa sinasabing away sa fraternity habang nakikipag-ugnayan sa UE kung may CCTV sa naturang lugar.

Payo naman ng pulisya sa publiko na ipagbigay-alam agad kung may kahina-hinalang bagay o pangyayari sa kani-kanilang mga lugar. DZMM