Duterte: Pera, gold bars, ibabalik ng pamilya Marcos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte: Pera, gold bars, ibabalik ng pamilya Marcos

Duterte: Pera, gold bars, ibabalik ng pamilya Marcos

ABS-CBN News

Clipboard

Kinastigo ng ilang kongresista ang sinabi ni Pangulong Duterte na ibabalik na ng pamilya Marcos ang bahagi ng kanilang nakaw na yaman.

Sa talumpati kasi ni Duterte sa Malacañang nitong Martes, Agosto 29, sinabi niyang may kinatawan ng mga Marcos na nakipag-ugnayan sa kaniya para pabuksan ang kanilang bank accounts at ibigay ang laman nito, pati na aniya ang ilang gold bar.

"I will not name the spokesman. Sabi nila na they'll open everything and probably return 'yong nakita lang... Maybe this year, ang projected deficit spending would be big," sabi niya.

''Baka makatulong. Pero hindi ito malaki," ani Duterte.

ADVERTISEMENT

"'But we are ready to open and bring back,' sabi niya, 'pati 'yong a few gold bars.' Hindi gano'n kalaki, it's not a Fort Knox, it's just a few. But sabi nila, isauli nila para walang ano," sabi ng Pangulo, na tumutukoy sa base ng Amerika na taguan ng ginto.

Handa rin daw si Duterte na tanggapin ang paliwanag ng pamilya Marcos tungkol sa pinanggalingan ng pera at ang ngayo'y pagsasauli nito, totoo man o hindi.

"And the only reason really was sabi nila, that the father was protecting the economy. Now, of course, the eventual kung maalis siya. But he was thought of regaining the Malacañang and that is why ganito ang lumabas. Parang naitago."

Gayumpaman, ayon pa rin sa Pangulo, sa halip na ipaubaya sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), posibleng magtalaga siya ng bagong tao para tutukan at mangasiwa sa accounting at turnover ng sinasabing ill-gotten wealth ng mga Marcos.

"Itong PCGG kasi is focused on the Marcos wealth. Gusto ko tanggalin, pero baka sabihin naman ng mga tao, on the verge of discovering something, ayan na nga, binuwag na tuloy 'yong ano --- binuwag na tuloy 'yong PCGG," sabi ni Duterte.

Pagsiwalat ni Duterte, binatikos

Hindi nakaligtas sa ilang kongresista ang ibinunyag ni Duterte.

Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, maaaring 'propaganda' lang ito para mailihis ang atensiyon ng publiko ngayong umiigting ang panawagan kontra sa kaliwa't kanang patayan.

Mas kapani-paniwala pa umano ang pagbabalik ng nakaw na yaman kung kasabay nito'y mangungumpisal sa publiko ang mga Marcos sa kanilang mga paglabag sa karapatang pantao at hindi hihiling ng anumang proteksiyon para hindi mausig at maparusahan.

Tanong naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, bakit si Duterte pa ang kailangang mag-anunsiyo nito gayong may kakayahan naman ang mga Marcos na magbigay ng ganitong pahayag sa media o sa publiko?

Ibig sabihin din daw ba nito, handa na ang pamilya Marcos na harapin ang batas para sa mga nagawa noon?

Gusto naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na linawin pa ni Duterte ang kaniyang pahayag. Sana raw isapubliko ni Duterte nang buong-buo kung may negosasyon man sa pagitan ng Malacañang at ng mga Marcos. Dapat ding malaman kung magkano ang halagang ibabalik ng pamilya sa kaban ng bayan.

-- May ulat nina Pia Gutierrez, RG Cruz, at Mike Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.