5 bata patay sa sunog sa Tondo, Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 bata patay sa sunog sa Tondo, Maynila

5 bata patay sa sunog sa Tondo, Maynila

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 27, 2018 07:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

  • Magkakapatid, naiwan sa nakasarang bahay

  • Pag-apula sa sunog, nauwi sa tutukan ng baril


MAYNILA -- Limang magkakapatid na bata ang nasawi matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Tondo, Maynila nitong umaga ng Lunes.

Naisugod pa sa ospital ang magkakapatid na Geminiano, na may edad isa hanggang 12 taong gulang, matapos magtamo ng iba-ibang pinsala sa katawan dahil sa sunog pero binawian din ang mga ito ng buhay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tanging ang pangalawang anak na si John Michael lang ang nakaligtas matapos tumalon mula sa bintana.

Ayon kay Chief Inspector Reden Alumno, arson investigator sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), sa bahay ng mga Geminiano sa may kanto ng Laperal at Herbosa nagsimula ang sunog.

ADVERTISEMENT

"'Yon ang sabi ni John Michael. Nakita niya mismo, siya mismo ah... Nakita niya na naglalaro ng lighter doon mismo sa tapat ng pintuan nila, sinisindihan 'yong damit," ani Alumno.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tindera ang ina ng mga bata kaya wala sa bahay habang lumabas naman ang kanilang ama para magpagawa ng motor.

Inamin ng ama na nai-lock niya ang pintuan ng kanilang bahay.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na tumagal ng apat na oras. Idineklara itong fire out pasado 1:30 ng hapon.

Nahirapan ang BFP na apulahin ang sunog dahil masikip ang mga daanan sa lugar at gawa sa light materials ang mga bahay.

Naapektuhan sa sunog ang nasa 200 pamilya na kasalukuyang nananatili sa evacuation center.

Watch more in iWantv or TFC.tv

AGAWAN SA PAG-APULA NG SUNOG, NAUWI SA PANUNUTOK NG BARIL

Sa kasagsagan ng mga pangyayari, nauwi sa panunutok ng baril ang agawan ng drum na ginamit sa pag-apula ng sunog.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang isang criminology student na anak ng retiradong pulis matapos tutukan ng baril ang isang 18 anyos na babae.

Kaanak ang babae ng isang pamilya na ayon sa nanutok ng baril ay nang-agaw ng drum na pinang-aapula sa apoy.

Hinimatay pa ang ina ng nanutok ng baril dahil sa pangyayari.

Pero ayon kay Superintedent Jay Dimaandal ng Tondo police, may mas malalim pang alitan ang pamilya Cruz at pamilya ng nanutok ng baril na nagatungan lang ng agawan sa drum.

Bumisita naman si Special Assistant to President Christopher "Bong" Go sa mga nasunugan, at nangakong tutulong sa gastusin ng pamilya Geminiano sa burol at libing ng limang magkakapatid.

Bumisita rin si Manila Mayor Joseph Estrada at nagsabing tutulong siya sa mga biktima pagdating sa pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

--May ulat nina Arra Perez, Raphael Bosano, at Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.