15 pulis na dawit sa paglabag ng karapatang pantao, pinakakasuhan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
15 pulis na dawit sa paglabag ng karapatang pantao, pinakakasuhan

ABS-CBN News
Published Aug 27, 2018 06:03 PM PHT
|
Updated Feb 13, 2020 12:09 PM PHT

Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 15 pulis na umano'y gumawa ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Kasama sa mga balak sampahan ng kaso ang isang pulis na nanampal umano ng bus driver na nanuhol daw sa kaniya, isang pulis sa Iligan na nambugbog ng mga menor de edad dahil sa paglabag sa curfew, at isang pulis sa Taguig na nanutok ng baril sa dalawang menor de edad.

Ayon kay Chief Superintendent Dennis Siervo, hepe ng PNP Human Rights Affairs Office, maaaring humarap ang 15 sa kasong paglabag sa Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act.

"Para malaman ng lahat na we don’t tolerate that. Kung mayroon talagang pieces of evidence like video footages ideretso na namin 'yan," ani Siervo.

ADVERTISEMENT
Pero iginiit ni Siervo na magkakaroon muna ng imbestigasyon at dadaan sa tamang proseso ang pagdinig sa mga kaso.

"There are certain factors you need to filter in and what happened in that particular time, in that particular environment, that led him to do such act. There should be due process and investigation to be conducted," aniya.

Kabilang umano sa mga balak kasuhan ang isang may ranggong chief inspector, isang senior police officer 4 at tatlong police officer 2. Pinakamarami ang ranggong police officer 1 (PO1) na may anim katao.

Ipinaliwanag ni Siervo na ranggong PO1 ang pinakamarami dahil sila ang isinasalang sa mga operasyon.

"They’re the ones conducting the patrol, a close engagement with the members of the community," aniya.

"'Pag nasa labas ka, everyday, as you perform your job as a policeman, you infringe on their rights. But you have to balance this infringement of rights."

Bukod sa kasong kriminal, maghahain din ng hiwalay na kasong administratibo ang PNP sa 15.

"'Yong administrative will be handled by the PNP, 'yong Internal Affairs Service namin. Kapag ganyan, automatic, iniimbestigahan nila yan," ani Siervo. --Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
PNP
Philippine National Police
police
pulis
human rights
Dennis Siervo
Anti-Torture Act
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT