Pulis na nanampal ng driver tanggal sa puwesto | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na nanampal ng driver tanggal sa puwesto

Pulis na nanampal ng driver tanggal sa puwesto

Zhander Cayabyab at Jerome Lantin,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 28, 2019 11:56 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Humarap na sa National Capital Region Police Office ngayong Huwebes ang pulis na nag-viral sa social media matapos makunan ng bidyong nanampal ng isang bus driver.

Ayon sa nag-upload ng video sa Facebook na si Joel Ontong, nangyari ang insidente Miyerkoles ng gabi sa may Simbahan ng Baclaran.

Giit ni PO1 Edmar Costo, na mula sa presinto uno sa Parañaque, nainsulto siya kaya niya nagawang sampalin ang driver ng Valisno Express bus.

Kuwento ng bagitong pulis, sinita niya dahil sa reckless driving ang tsuper. Pero sinabihan umano siya ng kundoktor na bibigyan na lang siya ng P100 pang-areglo.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Costo, nang kinukuha na niya ang lisensiya sa driver, hindi ito pumayag agad at iwinawasiwas pa umano ang ID. Pagbigay umano ng lisensiya, may nakaipit nang pera rito.

Ayon sa pulis, pera na ipinang-aareglo sa kanya ang isinampal niya sa driver. Sa kasagsagan ng kanilang diskusyon, dalawang beses sinampal ng pulis ang tsuper.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa kabila ng paliwanag, tinanggal si Costo sa puwesto at inilipat muna sa Regional Headquarters Support Group ng NCRPO.

Hinahanap na ng pulisya ang driver ng bus para pormal na maihain ang kasong administratibong simple misconduct at kasong kriminal na slight physical injury laban sa pulis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.