Cayamora Maute, tatay ng mga 'terorista', pumanaw na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cayamora Maute, tatay ng mga 'terorista', pumanaw na

ABS-CBN News
Published Aug 27, 2017 10:17 PM PHT
|
Updated Aug 28, 2017 10:56 PM PHT

Nasawi matapos isugod sa ospital si Cayamora Maute, tatay ng magkapatid na Omarkhayam at Abdullah Maute na itinuturong mga lider ng teroristang grupong umatake sa Marawi City.

Ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), dinala si Cayamora sa ospital nitong hapon ng Linggo, Agosto 27, matapos mahirapan sa paghinga. Tumaas din umano ang blood pressure niya.

Bago nito, iniinda na raw ni Cayamora ang mga sakit na diabetes, hepatitis, at hypertension.

Bandang alas-3 ng hapon nang ideklara sa ospital na patay na si Cayamora.
Bandang alas-3 ng hapon nang ideklara sa ospital na patay na si Cayamora.
ADVERTISEMENT
Hindi pa makapagbigay ang BJMP ng sanhi ng pagkamatay ni Cayamora dahil pamilya niya muna ang dapat makakita nito.

Agad ding naipaalam sa mga miyembro ng pamilya Maute ang pagpanaw ni Cayamora.

Binigyang pagkakataon din ang mga nakadetineng kaanak ni Cayamora na makita ang kaniyang labi sa itinakdang area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Sa huling impormasyon ng BJMP, dinala na ang labi ni Cayamora ng iba pang kaanak papunta sa isang lugar sa Quiapo.

Nitong Hunyo, natiklo si Cayamora sa van na pinahinto sa isang checkpoint sa Davao City.
Nitong Hunyo, natiklo si Cayamora sa van na pinahinto sa isang checkpoint sa Davao City.
ADVERTISEMENT
Nagduda ang mga awtoridad sa isa sa mga pasahero ng van dahil may suot siyang surgical mask, o ang panakip sa bibig at ilong na karaniwang isinusuot sa ospital.

Nang ipatanggal ang 'mask' ng lalaki, doon na nila napagtantong siya ang 'wanted' na si Cayamora.

Makalipas ang ilang araw, naaresto rin si Ominta Romato "Farhana" Maute, ina ng magkapatid na terorista.

Una nang iniulat na pinopondohan ng mag-asawang Cayamora at Farhana ang operasyon ng Maute Group na tatlong buwan nang nakikipagbakbakan sa militar sa Marawi.

-- May ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Jeff Canoy
Marawi
MarawiClash
Marawi Clash
terrorism
maute
Cayamora Maute
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT