Ina ng Maute brothers, timbog sa Lanao Del Sur | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ina ng Maute brothers, timbog sa Lanao Del Sur

Ina ng Maute brothers, timbog sa Lanao Del Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Polyeto ng mga 'Wanted' na miyembro ng pamilya Maute. Cebu PNP

Arestado ang ina ng itinuturong mga pinuno ng teroristang grupong Maute, Biyernes sa Masiu, Lanao del Sur, ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines 1st Infantry Brigade.

Nahuli ng mga awtoridad si Ominta Romato "Farhana" Maute kasama ang dalawang iba pang sugatang hinihinalang miyembro ng Maute group nang maharang ang kanilang sasakyan sa Brgy. Kormatan sa Masiu, ayon kay ARMM Regional Police Director Reuben Theodore Sindac.

Inaresto rin ang pitong hindi pa nakikilalang babae na kasama sa grupo nina Farhana.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng pitong babae at dalawang sugatang kasama niya.

Narekober sa grupo ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga improvised explosive device.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa pulisya, nagtago sa Brgy. Dayawan, Masiu ang grupo nina Farhana Maute kung saan bumili sila ng sasakyan at mga baril bago tinangkang umalis sa Lanao del Sur.

Pinaniniwalaang si Farhana ang nagpopondo sa Maute group na kasalukuyang nakikipagbabakan sa mga puwersa ng gobyerno sa Marawi City. Napag-alaman ito ng Criminal Investigation and Detection Group, matapos ang isinagawang raid sa kanyang compound sa siyudad noong Disyembre.

Pinaniniwalaan ding siya ang nag-uugnay sa grupong Maute at mga banyagang jihadist sa timog-silangang Asya at iba pang rehiyon.

Si Farhana ang ina ng magkapatid na sina Abdullah at Omar Maute, mga itinuturong pinuno ngayon ng mga teroristang nakikipagbakbakan sa mga militar sa Marawi City.

Nauna nang naaresto ang tatay ng magkapatid na Maute na si Cayamora sa Davao City noong Martes.-- Ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.