Mga militanteng grupo, OFWs, tuloy ang paghingi ng hustisya para kay Kian | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga militanteng grupo, OFWs, tuloy ang paghingi ng hustisya para kay Kian

ABS-CBN News
Published Aug 27, 2017 12:40 AM PHT

Nangako ang mga grupo kontra extrajudicial killings na babantayan nila ang kaso ni Kian Delos Santos kahit nalibing na ang binatilyo.

Nakiisa rin ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa iba't ibang bahagi ng mundo sa pagdadalamhati at paghingi ng hustisya ng pamilya Delos Santos.

Patuloy ang protesta nitong Sabado laban sa extrajudicial killings at sumama pa ang ilang militanteng grupo sa funeral march kay Delos Santos.

Naniniwala ang ilang OFW sa Saudi Arabia na may kasalanan ang mga pulis sa pagkamatay ni Delos Santos.
Naniniwala ang ilang OFW sa Saudi Arabia na may kasalanan ang mga pulis sa pagkamatay ni Delos Santos.
ADVERTISEMENT
"Sa tingin ko po ay mayroon talagang paglabag ang mga pulis at sana matutukan ito ng ating pangulo at mabigyan ng hustisya ang pamilya ng namatay," pahayag ni Arsenio Valera Javier, isang dentista sa Al Khobar.

Ramdam din ng mga inang OFW na may mga anak sa Pilipinas ang hinagpis ng ina ni Delos Santos na isa ring OFW sa Saudi.

"Bilang isa rin po akong ina ng 17 years old at OFW, nakakaawa po talaga ang sinapit ni Kian kasi wala po siyang awang pinatay. Kung sakali pong may kasalanan si Kian, sana po ay hindi lang siya pinatay," ani Liza Adriano, dentista sa Dammam.

“Magulang din kasi ako at ayaw kong mangyari naman iyon sa mga anak ko kasi OFW din ako.” ayon kay Haide Alzate Somera, OFW sa Kuwait.

Samantala, humihingi rin ng hustisya ang mga Fil-Am sa Amerika sa pagkamatay ni Delos Santos.

Sa kabila naman ng mga alegasyon ng extrajudicial killings nananatili pa rin ang suporta ng mga OFW sa Paris kay Pangulong Rodrigo Duterte.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT