Mga magulang ni Kian, napangiti na: PAO chief | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga magulang ni Kian, napangiti na: PAO chief

ABS-CBN News
Published Aug 26, 2017 09:03 AM PHT

Sa unang pagkakataon ay nasulyapan din ni Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta na ngumiti ang mga magulang ni Kian Delos Santos, matapos na masampahan ng mga kaso ang mga pulis na umanong nasa likod sa pagkamatay ng kanilang anak.

"Nakita ko po ang ngiti sa kanila kahapon na di ko nakita ng ilang araw sa halos isang linggo. Ngiti, na ang mata makikita mo ang pagasa na yung ipinangako ng karamihan na katarungan para kay Kian ay makakamit," sabi ni Acosta.

Sa panayam sa DZMM nitong Sabado, sinabi ni Acosta na maging siya ay nakatulog nang mahimbing noong nakaraang gabi.

Naisampa na sa Department of Justice ang kasong murder laban kina Chief Inspector Amor Cerillo, ang hepe ng Caloocan City Police Station 7; PO3 Arnel Oares; PO1 Jerwin Cruz; at PO1 Jeremias Pereda.

Sina Oares, Cruz, at Pereda ay nasampahan din ng kasong torture.

"Makakaasa po ang kabataang Pilipino, hustisya para kay Kian, isinisigaw niyo sa kalye, sa korte po natin ilalahad iyan dahil ang korte po ang makakapagsabi kung may abuso o wala at kami ay nandyan para dalin ang mga tunay na testigo," sabi ni Acosta.

Ayon sa PAO, tatlong tama ng bala ang ikinamatay ng binatilyo, kontra sa nakita ng mga pulis na dalawang bala umano ang tumama dito.

Pinanindigan naman ng mga pulis na isang drug runner si Kian, paratang na pinabulaanan naman ng kanyang mga magulang.

Sinabi ng kanyang mga magulang na pangarap pa nga ng kanilang anak na maging isang pulis.

Dagdag naman ni Acosta na mayroon nang inisyal na proteksiyong ibinigay ang Witness Protection Program sa pamilya Delos Santos, matapos nilang manghingi nito noong Biyernes.

"Magpapadala ng security ang WPP doon sa libing. Kaya wag mag-alala kung may mananabotahe diyan, mahuli kayo. Nandiyan ang ating mga WPP officers na karamihan may training sa NBI (National Bureau of Investigation) on how to secure a witness," sabi ni Acosta.

Read More:
Kian Delos Santos
WPP
Persida Acosta
Caloocan police
war on drugs
Oplan Galugad
tagalog news
dzmm
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT