TINGNAN: 'Gender neutral' na mga banyo sa Quezon City Hall | ABS-CBN
News
TINGNAN: 'Gender neutral' na mga banyo sa Quezon City Hall

Aleta Nieva-Nishimori,
ABS-CBN News
Published Aug 24, 2019 01:44 PM PHT
MANILA - Nagpaskil na ng "All Gender" signs ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa mga banyo sa loob ng city hall compound na aangkop sa paggamit ng lahat ng kasarian.

Ito'y matapos mabigyan ng kaukulang pansin ang sinapit ng transgender woman na si Gretchen Diez na inaresto matapos ang di pagkakaintindihan sa janitress ng isang mall sa siyudad kung saan siya gumamit ng pambabaeng comfort room.

Ang paglalagay ng gender neutral signs para sa lahat ng kasarian ay alinsunod sa City Ordinance No. 2357-2014 o ang Quezon City Gender-Fair Ordinance.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, pribadong tanggapan, at komersiyal na establisimyento sa lungsod na magtalaga ng banyo na magagamit ng lahat ng kasarian.

ADVERTISEMENT
Nag-viral sa social media ang Facebook live video ni Diez habang sapilitan siyang hinihila ng janitress ng Farmers Plaza sa Cubao matapos siyang sitahin sa paggamit ng toilet na pambabae.

Kalauna’y dinetene sa Camp Karingal at ihinarap sa kasong unjust vexation si Diez matapos ang insidente, pero agad ding pinalaya.

Humingi na rin ng paumanhin ang janitress at ang pamunuan ng mall sa nangyari.

Ang pinagdaanan ni Diez ang nagbigay-daan para matalakay sa Senado ang pagpasa ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill.