Impeachment complaint laban kay Bautista, isinampa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Impeachment complaint laban kay Bautista, isinampa

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2017 10:10 PM PHT

Nagsampa ng impeachment complaint laban kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang isang anti-crime group ngayong Miyerkoles kaugnay ng umano'y pagtataksil ng opisyal sa tiwala ng taumbayan at sa paglabag umano nito sa Konstitusyon.

Bunga ang reklamo ng mga paratang na mayroong tagong yaman si Bautista, at ng insidente ng hacking ng website ng COMELEC na nagdulot ng pagkalantad ng personal na impormasyon ng mga botante.

Inendorso nina Cebu Rep. Gwen Garcia, Tagaytay Rep. Abraham Tolentino at Kabayan party-list Rep. Harry Roque ang reklamo, na ngayo'y nagbibigay-daan sa justice committee ng Kamara na talakayin at pagdesisyunan kung sapat ba o 'sufficient in form and substance' ang reklamo.

Inendorso ni Roque ang reklamo matapos siguruhin sa kanya ni Patricia Bautista, asawa ng COMELEC chair, na dadalo ito upang tumestigo at ipakita ang mga hawak nitong ebidensiya.

ADVERTISEMENT
Nais namang bigyan ni Tolentino ng oportunidad si Bautista upang linisin ang kanyang pangalan.

Palagay naman ni Garcia ay panahon na upang muling tingnan ang kredibilidad ng automated voting system, lalo't hindi siya tiwala rito.

Isinampa ang reklamo nina Atty. Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption, at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras, kasama si Atty. Manuelito Luna ng VACC.

Ayon kay Paras, maaaring managot si Bautista sa tinaguriang 'Comeleaks', o ang paglabas ng impormasyon tungkol sa may 55 milyong botanteng Filipino na maaaring ikapahamak ng kanilang seguridad.

Giit naman ni Luna, hindi lamang ang mga pahayag ni Luna ang basehan ng kanilang reklamo. Mayroon din umano silang sariling kopya ng mga dokumento kaugnay ng reklamo.

Nauna nang inakusahan ni Mrs. Bautista na mayroong mga dokumento at passbook na hindi umano idineklara ng kanyang asawa sa statement of assets, liabilities, and net worth nito.

Itinanggi naman ito ng COMELEC chief, at sinabing kinikikilan lamang siya ng asawa ng P620 milyon.

-- May ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
RG Cruz
Bautista
Andres Bautista
COMELEC
elections
Patricia Bautista
balita
impeachment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT