Inangkat na bigas na umabot sa Subic, Albay, nakitaan ng bukbok | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inangkat na bigas na umabot sa Subic, Albay, nakitaan ng bukbok

ABS-CBN News
Published Aug 22, 2018 08:45 PM PHT

Nakitaan ng mga rice weevil o bukbok ang ilang sako ng inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA) na nasa Subic Bay Freeport Zone at pantalan ng Tabaco City, Albay.

Nitong umaga ng Miyerkoles lamang nakita ng NFA at mga surveyor ng supplier ang mga apektadog bigas sa Subic.

Sa tala ng NFA, nasa 133,000 sako ang posibleng apektado.

Dahil dito, wala munang ibinaba mula sa barko dahil kailangang isailalim ang bigas sa fumigation o iyong pagpapausok ng mga gamot upang mapuksa ang mga insekto.

ADVERTISEMENT
Sisimulan ang pag-quarantine o paghiwalay sa bigas sa Huwebes.

Pito hanggang 12 araw ang kailangan umanong hintayin bago mapatay ang mga bukbok.

Ayon sa NFA, natural lang na magkaroon ng mga bukbok ang mga bigas pero dapat ay mapatay muna ito bago dalhin sa mga bodega nila.

"Made-delay na naman iyong unloading kasi magfu-fumigate ka," ani NFA spokesperson Rex Estopacio.

Sa ngayon, nasa responsibilidad pa ng supplier ang mga bigas na ito. Sila rin ang gagastos para sa fumigation.

Dagdag pa ng NFA, handa naman sila na magbigay ng karagdagang suplay para mapunan ang posibleng kakulangan ng bigas sa Cagayan region at Gitnang Luzon.

Galing ng Thailand ang mga bigas na dumating sa Boton Pier ng Subic Bay Metropolitan Authority noong Agosto 2.

ALBAY
Samantala, apektado rin ng mga bukbok ang ilang sako ng inangkat na bigas na ibiniyahe sa Albay, kinumpirma nitong Miyerkoles ng isang opisyal.

Nagmula ang apektadong bigas sa 23,000 sako na diniskarga sa pantalan ng Tabaco City. Nasa 200,000 sako ng NFA rice ang dala ng barko.

Pero nilinaw ni Alan Sabaybay, provincial manager ng NFA sa Albay, na hindi lahat ng natirang 177,000 sako ay tinamaan ng bukbok.

Ayon kay Sabaybay, isinailalim na nila ang mga pinesteng sako sa fumigation.

Hindi maaapektuhan ng fumigation ang kalidad ng bigas, ayon kay Sabaybay.

Dagdag pa ni Sabaybay, maibababa nila mula sa barko ang mga natitira pang sako ng bigas sa loob ng 10 araw.

Naipamahagi na umano sa ibang lalawigan, gaya ng Camarines Norte at Camarines Sur, ang naunang 23,000 sako.

Tiniyak din ni Sabaybay na hindi magkakaroon ng rice shortage o kakulangan sa bigas kahit pa hindi pa naibababa ang natitirang 177,000 sako.

Sa Sabado naman inaasahan ang pagdating ng isa pang barko mula Thailand na magdadala ng libo-libong sako ng NFA rice.

-- May ulat nina Kori Quintos at Thea Omelan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
bigas
NFA rice
NFA
National Food Authority
rehiyon
Subic
Subic Bay Freeport Zone
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT