ALAMIN: Ayuda ng OWWA, POEA, sa mga na-stranded na OFW sa NAIA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ayuda ng OWWA, POEA, sa mga na-stranded na OFW sa NAIA

ALAMIN: Ayuda ng OWWA, POEA, sa mga na-stranded na OFW sa NAIA

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 21, 2018 06:21 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang araw matapos sumadsad ang eroplano ng Xiamen Airlines sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay may mahigit 1,000 overseas Filipino workers (OFW) pa ring hindi makabalik sa kanilang mga employer.

May ilan kasing hindi pa nakakapagpa-rebook dahil puno pa ang mga flights sa NAIA.

Bukod pa rito, hindi pa sila nabibigyan ng ayudang pangkain at matutuluyan, alinsunod sa Air Passenger Bill of Rights.

Bukod pa rito, nangangamba ang ilan na mag-e-expire na ang exit visa na makulong o mawalan ng trabaho sa abroad kapag hindi pa sila nakaalis ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Bagaman mandato ng mga airline na magbigay ng ayuda sa kanilang mga pasahero ay umaksiyon din ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para maibsan ang krisis na ito.

Mayroong itinayong mga help desk ang dalawang ahensiya para sa mga OFW sa NAIA na tutulong sa mga mag-e-expire na ang exit visa.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga airline na unahin ang mga OFW na mag-e-expire na ang exit visa, ani POEA Deputy Administrator Jocelyn Santos.

"Ang naging problema ngayon 'yung rebooking nila. More on nagkakaproblema 'yung may mga visa expiry," ani Santos sa "Lingkod Kapamilya" ng DZMM nitong Martes.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga ahente at employer ng mga first-time OFW tungkol sa nangyayari sa paliparan.

Hinikayat naman ni Santos ang mga OFW na panandaliang nagbakasyon sa Pilipinas na makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang mga employer tungkol sa insidente.

“In the event na mag-expire, dalawang bagay: 'yung (recruitment) agency mag-aayos, pero kung iyong OFW balik-manggagawa, makipag-coordinate siya sa employer niya na ayusin 'yung visa, ma-extend or ma-issue-han sila ng bagong visa,” ani Santos.

Bagaman walang kasalanan ang mga airline sa insidente, mayroon din daw mga airline companies na hindi nakipag-ugnayan nang maayos sa pagsasagawa ng recovery flights nang buksan ulit ang runway.

"Marami ang naapektuhan kaya in essence hindi sila (airlines) 'yung may kasalanan. Kelangang i-rebook o i-refund. Siyempre kami tutulong kasi nagkaroon ng problema, 'yun ang magagawa namin," ani OWWA deputy spokesperson Arnell Ignacio nitong Martes.

Kaya naman nagsimula na rin ang OWWA na magbigay ng ayudang pagkain at matutuluyan sa mga taong ilang araw nang na-stranded sa NAIA.

Pansamantalang nakatira ngayon sa OWWA halfway house at naka-check-in sa mga hotel ang ilang mga pasahero.

"Hindi namin kaya palitan 'yung sitwasyon. And it helps... appealing to the airlines na hindi dapat isang tidal wave na solution, but we also need to inform the passengers," ani Ignacio.

Nagbigay na rin ng ayudang pakain ang Xiamen Air, ang may-ari ng sumadsad na eroplano, para sa mga na-stranded na pasahero.

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, maaari raw bumalik na sa normal ang operasyon ng mga paliparan sa Sabado.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.