Mga tambay na walang suot na kamiseta sa kalsada, huli sa operasyon ng pulis sa Pasig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tambay na walang suot na kamiseta sa kalsada, huli sa operasyon ng pulis sa Pasig

Mga tambay na walang suot na kamiseta sa kalsada, huli sa operasyon ng pulis sa Pasig

ABS-CBN News

Clipboard

Karamihan sa mga nahuli sa 'one time big time operation' sa Pasig City ang mga tambay sa kalsada na walang pang-itaas na damit, ayon sa tala ng Pasig Philippine National Police (PNP).

Sa halos 200 na naaresto simula kahapon, Agosto 19, dahil sa paglabag sa iba't ibang ordinansa ng lungsod, 82 ang dinakip dahil walang suot na damit pang-itaas.

Sumunod ang mga umiinom at naninigarilyo sa kalye. Mayroon ding mga nahuling nagsusugal.

Kabilang sa mga nahuli ang 14 na sangkot umano sa droga at isang menor de edad na may sukbit na kalibre 45 baril.

ADVERTISEMENT

Aminado naman ang ina ng menor de edad na si alyas 'Joan' na tatlong beses nang nahuli ang kanyang anak, dahil sa kasong pagnanakaw.

"Dala na rin sa kahirapan ng buhay kaya nagagawa ng anak ko 'yun. Pinagsasabihan ko po ayusin ang sarili niya. Banned siya sa lugar namin, 'yung kamay niya malikot," ani alyas Joan.

Ayon sa Pasig PNP, malaki na ang ibinaba ng insidente ng krimen sa lungsod.

Pero madalas umanong kuta ng mga drug addict at holdupper ang Brgy. Pinagbuhatan, Manggahan at Rosario na tinututukan na ng pulisya. -- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.