'Katransaksyon sa droga' ni Kian, inilabas ng PNP | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Katransaksyon sa droga' ni Kian, inilabas ng PNP

'Katransaksyon sa droga' ni Kian, inilabas ng PNP

Ernie Manio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 20, 2017 10:33 AM PHT

Clipboard

MANILA - Iniharap sa media ng Philippine National Police (PNP) Linggo ang isang "tulak-droga" na nakakatransaksyon umano ni Kian Lloyd Delos Santos, Grade 11 student na napaslang kamakailan sa isang police operation.

Kuwento ng umano'y drug pusher na si Renato "Nono" Loveras, 2 hanggang 3 beses sa isang linggo niya nakakatransaksyon si Delos Santos.

Tahasang sinabi ni Loveras na ang 17-anyos na binatilyo mismo ang nag-aabot sa kanya ng shabu na galing sa isang Neneng Escopin.

"Bale kapag confirmed na ang order, iaabot na ni Kian sa akin. Iaabot ko sa kanya ang bayad," ani Loveras.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, runner din ni Escopin ang 2 pang menor de edad bukod kay Delos Santos.

Napatay ng mga pulis si Delos Santos nitong Miyerkoles ng gabi matapos umano silang paputukan ng binatilyo sa Barangay 160, Caloocan.

Pero lumutang ang ilang testigo at sinabing binugbog ng mga operatiba ang teenager bago ito binigyan ng baril, utusang tumakbo at barilin.

Ipinrisenta ng PNP-Caloocan si Loveras pasado hatinggabi ng Linggo.

Inilabas din ng pulisya ang isang ama at kanyang 17-anyos na anak na nahuli sa drug buy-bust operation nitong Sabado.

ADVERTISEMENT

"Nagsagawa ng drug ops ang operatives natin at itong si minor ang nag-abot ng drugs, tumakbo nang malamang pulis. Nagagamit talaga sa pagiging courier at runner na rin," ani Chief Insp. Ilustre Mendoza ng PNP-Caloocan.

DUDA NG PAMILYA

Hindi naman kumbinsido ang pamilya Delos Santos sa timing ng pagkakahuli sa menor de edad at paglabas ni Loveras."Bakit ngayon lang lumabas? E antagal nang nahuli niyan," sabi ni Randy Delos Santos, tiyuhin ng napaslang na binatilyo.

Pinaplano pa ng pamilya kung kailan ililibing ang teenager na pangarap sanang maging pulis.

Binisita ni Bise Presidente Leni Robredo ang libing ni Delos Santos, Sabado ng gabi.

Naghandog naman ng kanta ang mga kaibigan ni Delos Santos para sa kanya. Anila, libangan ng kanilang napaslang na kaibigan ang kumanta at tumugtog ng gitara.

-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.