Libo-libong pasahero, naperwisyo sa pagsadsad ng eroplano sa NAIA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libo-libong pasahero, naperwisyo sa pagsadsad ng eroplano sa NAIA

ABS-CBN News
Published Aug 17, 2018 08:31 PM PHT
|
Updated Aug 20, 2018 06:18 PM PHT

Alas-5 ng umaga sa Sabado nakatakdang buksan muli ang runway ng NAIA, ayon sa huling anunsiyo ng paliparan.
Naperwisyo ang libo-libong pasahero ng mahigit 70 flights na nakansela nitong Biyernes matapos sumadsad ang erpolano ng Xiamen Air sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Huwebes.

Nakaranas ng isang "hard landing" ang Xiamen Air flight MF8867 nang dumating ito mula Xiamen, China bago maghatinggabi.

Ligtas ang 157 na pasahero at 8 na crew ng eroplano.

Sa unang anunsiyo ng paliparan ay sinabing magsasara muna ang NAIA runway hanggang alas-12 ng tanghali Biyernes pero naurong ito nang naurong hanggang sa huli'y sinabing aabot pa ang closure hanggang alas-5 ng umaga Sabado.

ADVERTISEMENT
MGA HAKBANG PARA MAALIS ANG EROPLANO
Sa huling ulat, sinabing natanggal ang kaliwang makina at kaliwang gulong ng eroplano at sumadsad ito sa madamong bahagi sa runway 6/24 ng paliparan.

LOOK: Thick volume of passengers inside NAIA Terminal 1 after the runway closure. MIAA and CAAP say they are expecting to reopen the runway later at 4pm @ABSCBNNews @ANCALERTS pic.twitter.com/Yu9rWll7xh
— Jervis Manahan (@jervismanahan) August 17, 2018

Umarkila na rin ng dalawang telescopic crane ang mga awtoridad para buhatin ang eroplano palayo ng runway.

Inalis na rin ng mga airport crew ang mga bagahe sa eroplano para mas madali ang pagtanggal nito mula sa runway.

Paliwanag ng general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Ed Monreal, malambot ang landing area kaya nahihirapan silang maalis ang eroplano.

"Medyo mahirap ang recovery natin ngayon because ang lakas ho ng ulan. Malambot po 'yung area. Ang importante, safe lahat ng mga pasahero. Wala hong injury na malala,” aniya sa isang press briefing.

IMBESTIGASYON
Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung paano nangyari ang insidente.

"Tinitingnan natin ang aircraft systems, kung gumagana ba lahat. Pangalawa, kung ano 'yung flight profile niya. Pangatlo, kung ano 'yung pinag-uusapan nila habang nagaganap 'yun. Nandoon naman 'yun sa cockpit voice recorder," ani Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) director general Jim Sydiongco.

Darating sa Sabado ang mga kinatawan ng Xiamen Airlines para tumulong sa imbestigasyon.

Ipasusuri sa Singapore ang flight data recorder ng eroplano pero malamang umano ay dahil ito sa masamang panahon nitong Huwebes.

Grounded na rin muna ang piloto ng eroplano habang patuloy ang imbestigasyon.

REMEDYO SA PASAHERO
REMEDYO SA PASAHERO
Matapos ang malawakang pagkansela ng mga flight ay agad nang pumila ang mga stranded na pasahero para makapag-rebook.

Mapa-turista, balikbayan, at overseas Filipino workers (OFW) apektado dahil sa insidente.

Kuwento ng OFW na si Jane Miranda, alas-3 pa lang ng madaling araw ay nasa paliparan na siya para sa flight patungong Dubai.

"Dapat in-inform kami. Wala eh. Alas-3 pa lang ng madaling araw nandito na ako pero malalaman namin na cancelled 10 a.m. na," aniya.

Nadismaya rin ang mag-asawang sina Nestor at Lilibeth Villafuerte dahil ipina-rebook pa nila ang dalawang connecting flights patungong Texas.

Sa ilalim ng passenger bill of rights, maaaring mag-rebook at mag-refund ng ticket nang walang dagdag na bayad kung sakaling makansela o maantala ang flight.

Payo naman ng mga awtoridad sa mga luluwas sa mga susunod na araw, makipag-ugnayan na sa kanilang mga airline para matingnan kung tuloy ang kanilang mga flight.

Inamin kasi nilang siguradong apektado rin ang mga flight sa mga susunod na araw dahil sa nangyari sa NAIA.

Maaaring tumawag sa mga numerong ito para sa mga tanong tungkol sa pending flights:
• Terminal 1 (8771109 loc 765 and 2852)
• Terminal 2 (8771109 loc 2882 and 2880)
• Terminal 3 (8777888 loc 8144 and 8146)
• Terminal 4 (8771109 loc 4226)

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV PATROL
TV Patrol top
NAIA
runway skid
runway closure
airplane
airlines
MIAA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT