PANOORIN: SUV muntik mahulog sa Ro-Ro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: SUV muntik mahulog sa Ro-Ro

PANOORIN: SUV muntik mahulog sa Ro-Ro

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mula kay Axel Seldura Tormes

NEGROS OCCIDENTAL - Muntik nang mahulog sa dagat ang isang SUV habang pababa ito sa Ro-Ro vessel sa San Carlos City Port Martes ng tanghali.

Sa video na kuha ni Axel Seldura Tormes, nasubsob sa dagat ang SUV na minamaneho ng isang babae.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, umabante umano ang sasakyan patungo sa docking area kahit hindi pa nakapagbigay ng go signal ang mga tauhan ng Ro-Ro.

Mula kay Axel Seldura Tormes

Ayon kay Petty Officer 3rd Class Christian Abuyabor, deputy commander ng Coast Guard San Carlos City Sub-Station, nahiwalay ang ramp kaya't sumubsob ang SUV.

ADVERTISEMENT

Nasira ang harapang bahagi ng SUV. Hindi naman nasaktan ang drayber.

Naantala naman ng ilang oras ang pagbaba ng iba pang sasakyan at mga pasahero mula sa Ro-Ro dahil sa nangyari. - Nico Delfin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.