300 pamilya nasunugan sa Alabang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

300 pamilya nasunugan sa Alabang

300 pamilya nasunugan sa Alabang

Ernie Manio,

DZMM

Clipboard

MANILA - Aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Alabang, Muntinlupa Sabado ng hapon.

Sinasabing sumiklab ang apoy na sadyain ng isang Michael Cabalquinto na silabang ang kanyang bahay sa Purok 13, Sitio Pag-asa.

"Pagkakaalam ko may problema sa asawa [si Cabalquinto]. Tapos addict pa," sabi ng residenteng si Felix dela Cruz.

Umabot sa Task Force Charlie ang sunog na nag-iwan ng nasa P1.5 milyon na danyos.

ADVERTISEMENT

Hindi na mahagilap si Cabalquinto, pero maaari pa rin siyang sampahan ng kaso ng mga kapitbahay.

Humihiling naman ng ayuda ang nasa 1,000 indibidwal na naapektuhan ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.