17 nalason sa pagkain ng 'butete' sa Ozamiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

17 nalason sa pagkain ng 'butete' sa Ozamiz

17 nalason sa pagkain ng 'butete' sa Ozamiz

ABS-CBN News

Clipboard

Dynah Diestro, ABS-CBN News

OZAMIZ CITY, Misamis Occidental—Nalason ang 17 katao sa Barangay San Antonio, Ozamiz City, Misamis Occidental matapos kumain ng isdang "butete" o puffer fish.

Nakalabas na sa ospital ang 16 na biktima maliban kay Armando Santander, 53 anyos, na inilagay sa intensive care unit (ICU).

Kuwento ng asawa ni Santander, kinailangan umanong isailalim sa dialysis ang biktima.

"Nag-aalala ako sa kaniya ngayon pati kidney niya apektado na," ani Mherlyn.

ADVERTISEMENT

Ang kapatid ni Santander ang nakahuli at nagluto ng isdang butete noong Agosto 8.

Ayon kay Brix Go, disease surveillance officer ng City Health Office, dati pa nilang pinagbabawalan ang mga residente na huwag kainin ang butete dahil mataas ang nakakamatay na lason nitong tinatawag na tetrodotoxin.

Inirerekomenda ng City Health Office sa mga barangay na gumawa ng ordinansang nagbabawal sa pagkain ng butete para maiwasan ang pagkakalason.

Ayon kay Romeo Victor Alinas, toxicology nurse ng MHARS Medical Center, ang lason ay nasa lamang loob ng butete.

"Eight micrograms per kilogram lang na makain ay may epekto na ito sa katawan ng tao," aniya.

Pagkahilo, pagsusuka, pamamanhid ng labi at iba pang parte ng katawan ay kabilang sa mga sintomas ng pagkalason sa pagkain ng isdang butete.—Ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.