Failon Ngayon: Botika ng Bayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Failon Ngayon: Botika ng Bayan

Failon Ngayon: Botika ng Bayan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May gamot nga raw ba sa sakit sa bulsa dahil sa mahal ng mga bilihin?

Ito nga ang matagal nang tanong ni Lola Celerina Silvestre. Paano ba naman daw kasi sa loob ng limang taon niyang pag-inom ng maintenance medicine para sa kanyang alta-presyon, gumagastos siya ng isang libong piso kada buwan! At kapag wala raw talagang budget para sa gamot, umaasa na lang siya sa barangay kung merong maibibigay.

Ganito ang madalas na sitwasyon ng ating mga kababayang kapos sa pera at walang pambili ng kanilang gamot. At kapag magpapa-ospital naman, libre ang pa-ospital pero pagdating sa mga bibilhing gamot, dito na nagkakaproblema ang mga hirap nating mamamayan!

Kaya ang Department of Health, muling binuhay ang programang libreng gamot mula sa Botika ng Bayan o BnB! Nagbukas na sila ng paunang tatlong BnB, una sa Luzon sa Isabela Province sa bayan ng San Mariano, pangalawa sa Visayas sa bayan ng San Remigio sa Cebu at ang pangatlo sa Davao City.

ADVERTISEMENT

Nauna nang inilunsad ang Botika ng Bayan noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo kung saan sinubukang magtayo ng mga botika sa mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay sa barangay ng 25,000 pesos na kapital. Pero dahil sa problema sa sustainability ng botika ng barangay at ng pangpuhunan, hindi ito naging matagumpay.

Pero sa bagong BnB ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte, ayon kay Usec. Domingo ang lahat ng gamot dito ay libre at walang bayad. Ang gobyerno lahat ang magbabayad ng gamot.

Nais magtayo ng DOH ng 2,600 na BnB sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng mga local government unit. At sa mga botikang ito ilalagak ang mga generic medicine na maaaring makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng gamot.

Pero bago makakuha ng mga libreng gamot sa mga BnB, may prosesong dadaanan. Kailangan munang magpacheck-up ng pasyente sa rural health physician o sa doktor para mabigyan ng reseta at ang reseta na ito ang ibibigay sa botika ng bayan para mabigyan ng mga kaukulang gamot.

At para sa mga kapamilya nating hindi makapunta sa BnB, ang mga rural health doctor ang mismong pupunta sa kanilang barangay at katulong ang pharmacist at assistant pharmacist ng munisipyo ay ibibigay ang gamot sa pasyente.

_________

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I Can See Your Voice
11:00 ng gabi sa ABS-CBN!

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, http://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.

I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant tv! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwanttv.com

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.