Baha sa ilang bahagi ng CAMANAVA, humupa na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baha sa ilang bahagi ng CAMANAVA, humupa na

ABS-CBN News
Published Aug 12, 2018 12:24 PM PHT

MANILA - Humupa na ang baha nitong umaga ng Linggo sa ilang kalsada sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area na lumubog dahil sa matinding ulan kahapon.

Ayon sa monitoring ng Northern Police District, passable na sa lahat ng motorista ang Naval St., Agora Market at Gov. Pasqual St. sa Navotas City.

Kahit ang mga baranggay at kalsada sa Malabon at Valenzuela na isa sa pinakapektado kahapon ay humupa na rin kaya't nakakadaan na pati ang mga maliliit na sasakyan.

Nananatili naman sa evacuation center ang nasa 200 apektadong pamilya sa Valenzuela National High School, Paltok Elementary School, Luis Francisco Elementary School at iba pa.

ADVERTISEMENT
Sa Malabon, nasa 70 pamilya ang nananatili sa Merville Elementary School at Dampalit Barangay Hall matapos bahain ang kanilang mga bahay kagabi.

Inaasahan na magtutuloy-tuloy ang paghupa ng tubig sa iba pang lugar. - Ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News