Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon

Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2017 10:48 PM PHT

Clipboard

Umabot na sa Task Force Alpha ang sunog sa isang residential area sa San Vicente, Barangay Maysilo, Malabon. Courtesy of Zaldy Salita

MANILA -- Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa San Vicente, Barangay Maysilo sa Malabon nitong Sabado ng gabi.

Kontrolado na ang apoy nitong alas-9 ng gabi.

Nagsimula ang sunog 7:27 ng gabi at itinaas rin sa unang alarma matapos lamang ang ilang minuto.

Umabot na sa Task Force Alpha ang sunog na nangangahulugang lahat ng bakanteng fire truck sa Metro Manila ay kailangang rumesponde.

ADVERTISEMENT

Dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa mga light materials tulad ng plywood kaya’t mabilis itong lumaki. Sa loob lamang ng isang oras ay mga haligi na lamang ng bahay ang natira. Ang iba ay tuluyang natupok.

Nakatayo malapit sa ilog ang mga bahay ngunit ayon sa mga residente, bagamat sinubukan nilang buhusan ng tubig ang apoy, ay nagpatuloy ito sa paglaki at umabot sa ibang bahay.

Karamihan sa mga residente ay damit lamang ang naisalba at naiwanan ang mga appliances at mga alagang hayop.

Sa ngayon ay nananatili ang mga biktima sa kalsada ng M.H. Del Pilar.

Patuloy pa ring inaapula ang apoy.

--May ulat ni Ron Lopez, DZMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.