Pinoy nurse sa Ireland, namuno sa pamimigay ng tablets para sa mga estudyanteng Pinoy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy nurse sa Ireland, namuno sa pamimigay ng tablets para sa mga estudyanteng Pinoy

Aleta Nieva-Nishimori,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 07:25 PM PHT

MAYNILA - Pagod man sa trabaho, nakahanap pa rin ng paraan ang isang Pinoy nurse na nakabase sa Ireland na makatulong para maibsan ang hamong kinakaharap ng mga mahihirap na mag-aaral sa Pilipinas na sasabak sa bagong learning modalities dahil sa banta ng COVID-19.

Inumpisahan ni Aldrin Licayen, isang nurse sa Letterkenny, Donegal, ang proyektong pamimiigay ng libreng tablets para sa mga mag-aaral na Pinoy sa Pilipinas.

“We work 39 hours a week. Yung mga oras na nag-iisa lang ako sa bahay, pag-uwi ko po, medyo malungkot na kasi bawal kang makipagkita sa mga friends mo, bawal kang lumabas, at nami-miss ko pagpunta ko sa ibang bansa para pantanggal ng stress o mag cope sa homesickness. Yung po ang mga gabi na medyo malungkot,” kuwento ni Licayen sa ABS-CBN TeleRadyo ngayong Martes.

Para malampasan niya ito, gumagawa si Licayen ng YouTube at Instagram content na naging daan naman aniya para sa publiko na makahingi sa kaniya ng tulong.

“At first, ‘di ko inisip na magagawa ko ‘yun. Siguro, parang may tumulak na lang sa akin. Laging sinasabi ng lola ko sa akin na, 'Be a blessing to other people'. At saka, naisip ko din na maraming gustong tumulong,” sabi niya.

Sinimulan niyang magtayo ng GoFundMe page para mapondohan ang inisyatibo.

“Ang minessage ko, friends ko from all parts of the world. May taga-America, Italy, taga-France, taga-Dubai, taga-Pilipinas. Kahit strangers, nakakatulong sa akin,” sabi niya.

Laking tuwa naman niya nang makapamigay siya, sa tulong ng pondong nalikom, ng 20 tablets sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

“Ang goal ko po is 10 lang. Tapos, naging 12, at naging 20, hanggang tinaas ko na yung bar. Sabi ko, gusto ko makapagbigay ng 100," sabi niya.

"Tapos gumagawa kami ngayon ng team Tech for Filipino Youth, ang goal po namin is 1,000,” dagdag niya.

Itinakda ng Department of Education sa Agosto 24 ang umpisa ng klase sa mga pampublikong paaralan. Hindi muna papayagan ang face-to-face o ang tradisyunal na pagtuturo habang may pandemya.

Ayon sa DepEd, blended learning ang pansamantalang gagamitin o ang pagtuturo online, gamit ang printed modules at TV at radyo.
Hiling ni Licayen na puntahan lamang ang kaniyang social media accounts para alamin kung paano makatutulong o i-access ang kanilang GoFundMe page para mag-donate.

“Sa ngayon, sobrang limited po tayo. Hindi po namin kayang mabigay lahat. Sa ngayon, because of the fundraiser effort na ginagawa namin, another 25 tablets ang maibibigay pa namin,” sabi niya.

Read More:
Aldrin Licayen
Pinoy nurse sa Ireland
tablet
DepEd
COVID-19
good deeds
tablets donation
Department of Education
blended learning
coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT