Militar posibleng ipakalat para masundan ang quarantine protocols: Duterte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Militar posibleng ipakalat para masundan ang quarantine protocols: Duterte

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 01:07 PM PHT

MAYNILA - Posibleng gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa harap ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at paghihigpit ng lockdown sa ilang lugar ng bansa.

Sa isang public address gabi ng Lunes, sinabi ni Duterte na posible siyang magpakalat ng militar kung patuloy na lalabag ang mga tao sa quarantine protocols.

"Sabi ko sa inyo, hindi ko kayo lahat mapigilan. The police cannot be everywhere and anywhere all the time. The military is not part of the governance yet in the matter of using force, or at least intimidating you with soldiers. Far from it, we do not have that plan," ani Duterte.

"But, 'pag hindi talaga madala, and it's a runaway contagion, mapipilitan akong magamit ang military kasi talagang kulang ang pulis. Ngayon kung nandiyan ang military to enforce you to obey itong community lockdown," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Umapela rin si Duterte sa publiko na sumunod na lang sa mga panuntunan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

MGA PULIS PINATUTULONG SA CONTACT TRACING
Pinatutulong naman ni Duterte ang pulis sa contact tracing.

Dagdag niya, pupwedeng gamitin ng contact tracers ang resources ng PNP at makipag-ugnayan sa barangay captains para madali makagalaw ang contact tracers.

"Ganito na lang, andito naman si [DILG Secretary Eduardo Año], magpahatid na kung anong sasakyan diyan sa pulis sa area na iyan doon siya sumakay, doon sila sumakay, ihatid sila ng pulis sa boundary. Beyond that ibang pulis na naman ang magsasalo sa kanila para hanapin ang tao," ani Duterte.

Aniya, kung may sapat na pondo at resources ang gobyerno ay hindi na kailangan gamitin ang PNP.

Pero sa panahon ngayon, kailangan muna magsakripisyo at magambag ang mga pulis sa pinangangailangan ng contract tracing.

Maaalalang isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at mga karatig-lugar buhat ng pagsirit ng mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Pumalo na sa 136,638 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos maitala ang 6,958 panibagong kaso batay sa pinakahuling tala ng Department of Health noong Lunes.

-- May ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT