Mga trabaho sa Guam bukas para sa mga Pilipino | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga trabaho sa Guam bukas para sa mga Pilipino

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 03:29 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2020 07:48 PM PHT

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, may ilang trabahong nagbubukas para sa mga Pilipino sa Guam para sa skilled at semi-skilled workers, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay matapos aprubahan ng Philippine Overseas Labor & Office sa Los Angeles ang job orders para sa kompanyang Northern Construction, na nangangailangan ng heavy equipment operators, karpintero, mason, metal workers, at mechanical at civil engineers.

Maaari umanong apply-an ang mga trabaho sa Global Manpower Agency sa Pilipinas.

Pinoproseso rin umano ang accreditation ng 2 employer na nangangailangan ng 50 painters, 5 metal workers, 4 na heavy equipment operators, at 4 na pipefitters.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, may employers ding interesado na kumuha ng mga Pilipino na nurse.

Pero naka-hold pa ang pagkuha sa mga nurse habang tinitingnan pa kung papayagang umalis ang medical workers dahil kailangan ang mga ito sa Pilipinas ngayong may pandemya, ani Bello.

Sa pinakahuling monitoring ng US Centers for Disease Control and Prevention, 418 ang kaso ng COVID-19 sa Guam, kung saan 5 ang namatay.

Ayon sa DOLE, 371,000 na overseas Filipino worker ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Maaari namang pumasok sa national reintegration program ang mga OFW na umuwi ng Pilipinas at ayaw nang umalis ulit, sabi ng ahensiya. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Guam
Department of Labor and Employment
OFW
skilled workers
construction workers
carpenter
mason
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT