Local officials na umiipit sa telco binantaan ni Duterte: 'Idemanda ko kayo' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Local officials na umiipit sa telco binantaan ni Duterte: 'Idemanda ko kayo'

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 07:05 PM PHT

MAYNILA — Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahabulin niya ang mga lokal na opisyal na nang-iipit ng permit ng telecommunication companies para makapagpatayo ang mga ito ng cell sites.

Ani Duterte sa isang public address noong Lunes, kaya nahihirapan ang mga telco na magpatayo ng towers para mapabuti ang serbisyo ay dahil sa sangkaterbang requirements na hinihingi ng local government officials kung saan aniya naipapasok ang korapsyon.

"Sinabi ko sa iyo... I have never been serious as I can ever be in my life, huwag kayong magkamali talaga, hahabulin ko kayo hanggang preso... Huminto kayo at huwag ninyong pahirapan ang Pilipino," ani Duterte.

Hindi daw katanggap-tanggap sa kanya ang ilang buwang delay sa pag-aayos ng permit ng telco dahil sa problem sa LGUs.

ADVERTISEMENT
Sa report kasi ni Interior Secretary Eduardo Año, nasa 1,930 applications ang naipasa ng telco companies sa nasa 80 na LGUs.

Pero naaprubahan na aniya ang nasa 1,502 at nasa 428 na lang ang pending.

Sa dating sistema, umaaot nang 241 days ang itinatagal ng proseso para sa pag-aayos ng 19 permits at 86 na mga dokumento.

"You know, a delay of 200 days is totally unacceptable to me... Karamihan niyan city and municipal council. Do not give me that s*** na abutin kayo, kung hindi idemanda ko kayong lahat."

Tiniyak naman ni Año na binago na ang sistema at pinababa na lang sa 16 days ang processing para sa 8 permits at 35 documentary requirements.

"So sa loob po ng susunod na linggo ay babantayan ko itong mga pending na ito at sisiguraduhin po natin na dapat maaprubahan at kung hindi man, dapat malaman natin ang dahilan bakit hindi naaprubahan. So bibilis po ‘yung ating proseso sa application ng telcos," pangako ni Año.