Ilang trabahador balik sa pagbisikleta, paglalakad para makatrabaho habang MECQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang trabahador balik sa pagbisikleta, paglalakad para makatrabaho habang MECQ

Ilang trabahador balik sa pagbisikleta, paglalakad para makatrabaho habang MECQ

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Bago maghatinggabi, naglalakad na mula Quiapo papuntang Divisoria si Chiara Sarip kasama ang 21 anyos na anak bitbit ang mga panindang face shield.

Isang oras iniinda ng mag-ina na maglakad araw-araw kaysa magbayad ng P100, pang-arkila ng sasakyan.

Wala ring masakyang jeep dahil balik-modified ECQ ang Metro Manila.

"Wala nga rin pong magandang kita ngayon kaya maglakad na lang po. Imbis na pamasahe mo, pangkain mo na lang. pambili ng ibang kailangan,” ani Sarip.

ADVERTISEMENT

Noon, suki ng LRT at jeep ang tubero na si Alex Duadua. Ngayon, bisikleta na ang kasangga niya para makapasok sa trabaho mula sa kanilang bahay sa Monumento hanggang sa Malate sa Maynila.

“Exercise na rin. Pero nakakapagod din. Pag ganitong maluwag, isang oras. Pag maraming sasakyan, mahigit isang oras kasi sa gilid lang din ako eh,” ani Duadua.

Inalok naman siyang mag-stay in sa trabaho pero mas pinilit niyang mag-uwian para maasikaso ang pamilya.

“Misis ko minsan may trabaho rin. Namamalengke ako sa umaga. Walang maiiwan sa bahay [para] mamalengke,” ani Duadua.

Hiram lang sa kapatid ang gamit niyang bike, nilagyan niya ito ng rechargeable na ilaw para magamit pag-uwi sa gabi.

Lagi siyang naka-helmet, may dalang tubig, at may baon din siyang kapote lalo’t tag ulan.

Paalala niya sa sarili at sa mga motorista na mag-ingat sa pagbibisikleta.

Pagdating sa inuupahang bahay, ang misis na lang niya ang sumasalubong sa kanya. Tulog na ang mga anak na dahilan kaya siya nagsasakripisyo sa trabaho.

Ipinarada niya sa loob ng bahay at icha-charge ang baterya ng ilaw nito.

Suspendido ang pampublikong transportasyon sa harap ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Dahilan ito para maglakad o magbisikleta ang ilang manggagawa papunta sa kanilang pinagtatrabahuhan, ngayong bukas pa rin ang mga piling negosyo sa harap ng ipinapatupad na MECQ.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.