Ilang SAP beneficiaries sa Las Piñas magdamag pumila sa remittance center para makuha ang ayuda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang SAP beneficiaries sa Las Piñas magdamag pumila sa remittance center para makuha ang ayuda

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 01:18 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2020 06:59 PM PHT

MAYNILA - Noong Linggo pa dapat kukuhanin ni Remedios Dauang ang ika-2 tulong mula sa social amelioration program (SAP).

LOOK: Beneficiaries of the Social Amelioration Program in Las Piñas wait as early as 8 pm outside a remittance center along Alabang-Zapote Road.
Those who came in advance said arriving at 3 or 4am was already too late since the line would be too long
(📸: Jay Echano) pic.twitter.com/qKvTZ692k9
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) August 10, 2020

Pero dahil laging naka-cut off sa mga pila, bumalik siya nang hatinggabi ng Martes sa labas ng remittance center sa Alabang-Zapote Road sa Las Piñas.

Isa siya sa mahigit 100 pumila para hintaying magbukas ito nang alas-8 ng umaga.

Dalawa lang sa bahay sina Dauang at ang kaniyang batang pamangkin kaya wala siyang ibang maaasahan para lumabas.
Dalawa lang sa bahay sina Dauang at ang kaniyang batang pamangkin kaya wala siyang ibang maaasahan para lumabas.
ADVERTISEMENT
Makakatulong sana sa kaniya ang ayuda para makapamili ng ibebenta sa maliit na tindahan.

"Naglakad ako. Sabi nila, kailangan ano na lang daw, tatawagan, mag-iwan ng number. Napakalayo. Kaya kahapon nag-try kami pumila dito, mahaba naman ang pila, kaya heto ngayon nag-umpisa na naman ako pumila,” ani Dauang.

Alas-8 pa ng gabi dumating ang mga naunang pumila sa bangketa at nagtantiyahan ng pagitan para sa physical distancing.

May mga ibang nagdala na ng sariling upuan at naghanda ng kapeng pampainit habang nag-aabang.

Sa SAP na tanging kumukuha ng pantustos ang marami ngayong may lockdown, gaya ng barberong si Jojo Andrada.

"'Pag pumila kami ng bandang alas-3 at saka alas-4 mahaba na ang pila kaya alas-12 pa lang andito na kami. Ang dami po talagang tao. Tapos 110 lang ang dapat maka-ano sa pila," ani Andrada.

Naniguro na si Nenita Taguba na protektado siya ng suot na face mask at face shield.

Sabi niya, may paglalaanan na ang makukuha niyang SAP.

"Marami na kaming kautangan. Yung unang-una naming gagawin, magbayad para pautangin ulit. Kagaya niyan nag-MECQ na naman. Walang hanapbuhay. Ganyan kahirap sir. Kaya talagang nagtitiyaga kami kahit minsan, natatakot din kami sa COVID,” ani Taguba.

Hiling nila, mapaayos pa ang sistema ng pagbibigay ng ayuda.

"Mas maganda po sana, dinala na lang sa bahay kaysa ganito pong nangyari na risk talaga 'to, e hinahabol mo lang 'yong makakuha ka pero mas nakatatakot ang magiging ano sa katawan ko--'di lang ako, sa pamilya ko. May mga senior din akong kasama noon talaga," ani Taguba.

The SAP beneficiaries who waited outside a remittance center in Las Piñas were told by police to leave at 2am because of the curfew. But the line outside returned as soon as the curfew ended at 5am.
(📸: Jay Echano) pic.twitter.com/sKpR7Gi8m3
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) August 11, 2020

Bandang alas-2 ng madaling araw pinaalis ng pulis ang mga nakapila dahil sa curfew. Pero nang matapos ito nang alas-5 ng umaga, bumalik na at dumami na ang mga nag-aabang.

Nag-usap-usap na lang ang mga nauna na sundin ang pagkakasunod nila sa dating pila.

Hanggang ngayong Sabado planong makompleto ng paahalaan ang pamimigay ng SAP.

— Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Las Piñas
SAP
social amelioration program
remittance center
SAP beneficiaries Las Piñas
tv patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT