Hinihinalang holdaper patay sa engkuwentro sa Pasay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hinihinalang holdaper patay sa engkuwentro sa Pasay

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 06:30 PM PHT

Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay 33, Pasay City noong gabi ng Lunes.

Ayon sa mga pulis, nagpapatrolya sila sa Menlo Street nang madaanan ang biktimang si Roceselyn Jobelo, na humingi ng saklolo matapos umanong kunin ng mga nakamotorsiklong holdaper ang kaniyang cellphone at mga alahas.

Nakipaghabulan ang mga pulis sa riding-in-tandem at nang makorner ang mga ito, nagpaputok umano ng baril ang suspek na si Alberto Soriano kaya nagkaroon ng engkuwentro.

Dead on the spot si Soriano habang nakatakas naman ang kasamahan niya, na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

ADVERTISEMENT
Narekober sa suspek ang ginamit na baril at cellphone pero hindi na nabawi ang alahas ng biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng responsable rin si Soriano sa ilan pang insidente ng holdapan sa lungsod.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT