'Grabe ang kawalangyaan': Mga modus sa PhilHealth inilantad sa ika-2 Senate probe | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Grabe ang kawalangyaan': Mga modus sa PhilHealth inilantad sa ika-2 Senate probe

Sherrie Ann Torres at Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 07:55 PM PHT

MAYNILA — Tila lalong nadiin ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ikalawang pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y iba’t-ibang katiwalian sa ahensya.

Mula ulo hanggang paa daw ang lawak ng korapsyon sa loob ng PhilHealth, ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica.

"Grabe po ito. Grabe ang nakawan, grabe ang kakapalan, grabe ang kawalangyaan... Kung grabe sakit ng Pilipino mas grabe ang sakit ng PhilHealth. Kawawa ang mga Pilipino," ani Belgica.

Isinisi ni Belgica ang korapsyon sa ahensya sa mahinang IT system, bukod pa sa mabagal at korap umano na legal system nito.

Konserbatibo aniya ang P153.7 bilyong tantiya ng Commission on Audit na nawala umano sa kaban ng bayan mula 2013 hanggang 2018 dahil posibleng lampas P200 bilyon na ang nawawaldas sa PhilHealth.

"Dahil walang validation mechanism, bayad lang nang bayad ang PhilHealth na parang tanga sa mga hospital habang ginagago naman tayo... Kung si General Morales lang ang aalisin, balewala po ito. Dahil hindi ma-a-address ang problema dahil mula ulo hanggang paa ang korapsyon sa PhilHealth," aniya.

Idinetalye rin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang mga kalokohan umanong nangyayari sa PhilHealth.

"There was board meeting in 2016 where Mr. Gosengfiao supposedly admitted that he was asked to pay P7.3 million to a certain PhilHealth officer for the release of his claims amounting to P73 million... They pay people P1,000 to act as patients for more serious ailments," kuwento ni Zubiri.

Kasama rin umano sa modus ang ghost patients, pagpabor sa mga babayarang ospital, overpricing at marami pang iba.

Inamin ni PhilHealth president and CEO Ricardo Morales ang mga kahinaan ng kanilang ahensya pero kumikilos aniya sila para maiayos ang sistema.

"Fraud has always been with the system... The problem is systemic, it cannot be solved by one year, maybe not even three years."

DUTERTE NAGBANTA
Nagbanta naman si Pangulong Rodrigo Duterte na "yayariin" niya ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa korapsyon.

"Itong PhilHealth, sabi ko yayariin ko kayo maniwala kayo. Iyong mga inosente naman, wala kayo dapat i-ano, tahimik lang kayo and continue working. Ito nakalusot ito sa ibang maybe presidente, wag dito sa akin, sadsad talaga kayo," ani Duterte.

Gayunman, wala pang pinangalanan ang Pangulo sa mga maaaring masibak sa puwesto.

Nais muna daw kasi ni Duterte na hintayin ang kalalabasan ng imbestigasyon ng pinabuo niyang task force sa pangunguna ng Department of Justice.

Sabi naman ni DOJ Secretary Menardo Guevarra, dapat sana magkusa na lang na mag-leave of absence ang mga kasama sa imbestigasyon nang sa gayon ay walang maging sagabal sa proseso.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
katiwalian
TV PAtrol
TV PATROL TOP
PhilHEalth
hilippine Health Insurance Corporation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT