Duterte handa umanong maging tester ng COVID-19 vaccine galing Russia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte handa umanong maging tester ng COVID-19 vaccine galing Russia

Duterte handa umanong maging tester ng COVID-19 vaccine galing Russia

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2020 06:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na subukan ang bakuna kontra COVID-19 na dine-develop ng Russia.

Sa talumpati noong gabi ng Lunes, sinabi ni Duterte na tinatanggap niya ang alok ng Russia na suplayan ng bakuna ang Pilipinas sa oras na matapos nila ito.

Para maipakita ang pasasalamat at tiwala sa mga Russian, handa ang pangulo na manguna sa testing nito.

"Maligayang maligaya ako, ang Russia, kaibigan natin ito. Wala tayong away sa Russia, kaibigan natin. Ang ano nila, magbigay sila ng bakuna. Wala naman silang sinasabi na bayaran mo," ani Duterte.

ADVERTISEMENT

"Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat 'yan, in public, magpa-injection ako. Ako 'yung maunang ma-eksperimentuhan," dagdag ng pangulo.

Sa oras na magkaroon ng bakuna, asahan nang magiging normal na ulit ang situwasyon ng bansa pagdating ng Pasko, ani Duterte.

Nauna nang inanunsiyo ng Russian Embassy na handa itong makipagtulungan sa Pilipinas para sa lokal na produksiyon ng kanilang bakuna.

Sa parehong talumpati, sinabi rin ni Duterte na wala nang pera ang gobyerno para tustusan ang mas mahabang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya.

Ito ay sa gitna ng panukala ng mga eskperto na palawigin pa ang mas pinaigting na lockdown para tuluyang palakasin ang health care capacity sa bansa at mapababa ang kaso ng COVID-19.

Sa Agosto 18 pa matatapos ang 2 linggong MECQ pero ngayon pa lang, iginiit na ni Duterte na kailangang maghanapbuhay ang taumbayan para hindi tuluyang magutom sa gitna ng COVID-19.

Sapat naman umano ang inilatag na mga polisiya ng gobyerno para mabalanse ang mga isyu sa kalusugan at ekonomiya sa panahon ng pandemya.

Bukod sa Russia, nangako umano ang China na ipa-prayoridad ang Pilipinas sa pag-supply ng kanilang bakuna kontra COVID-19.

Noong Lunes, umabot na sa 136,638 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na iyon, 66,186 ang active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.