Bakit sinasabing mas nakakatulong na gawing mandatory ang pagsuot ng face shields? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit sinasabing mas nakakatulong na gawing mandatory ang pagsuot ng face shields?

Bakit sinasabing mas nakakatulong na gawing mandatory ang pagsuot ng face shields?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2020 08:14 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Sinang-ayunan ng isang eksperto ang panukalang gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa publiko sa harap ng panukala ng gobyerno na gawing obligado ang pagsusuot nito sa mga pampublikong lugar.

Paliwanag ni Dr. Tony Leachon, na tumayong dating tagapayo ng National Task Force on Emerging Infectious Diseases, magsisilbing dagdag-proteksyon ang pagsuot ng face shield.

Maaalalang sinabi ni Department of the Interior and Local Government chief Eduardo Año na pinaplano ang pagsuot ng mga face shield para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon pa kay Leachon, may mga pag-aaral, gaya ng pag-aaral ng grupo ni Dr. Antonio Dans ng UP-PGH Infectious Disease Department na nagsasabi kung paano nakakatulong sa pag-iwas sa COVID-19 ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at face shield.

ADVERTISEMENT

"Sa pag-aaral na yan kinompare din yung mga pag-aaral sa iba’t-ibang bansa at kinonsolidate 'yun. Kasi di ba, yung face mask yung handwashing, may effect yan... So when you compare, each one, additive, tumataas yung risk reduction natin. So the more you protect the areas of the face, that will actually be contracted by COVID, lumalaki ngayon yung percentage of risk reduction na mahawa," ani Leachon.

Wala pang pinal sa paggamit ng face shield.

Nilnaw ng Department of Health na pinag-aaralan pa nila ang ideya ni Año.

May pag-aaral ding lumabas sa Amerika na nagpatibay sa dati pang pag-aaral na mas epektibong proteksyon ang surgical masks kaysa sa mga gawa na tela na washable mask.

Pero para kay Leachon, walang problema ang washable cloth mask kung bibigyan ng konsiderasyon ang kakayahan ng mga residente.

"Kung yun lang makakayanan natin, ok lang naman sa kin yun, as long as meron kang protection kaysa naman yung mga nakikita ko sa lansangan na walang protection," ani Leachon.

"Yung mahirap, ang problema ng mahirap sa pag-i-interview ko sa pasyente ko, yun ngang pagkain eh problema na, yun pa kayang pambili ng face mask," dagdag niya.

Payo ni Leachon, mainam nang lagyan ng sapin na kapirasong tissue paper sa loob ng washable cloth mask bilang dagdag-proteksyon. -- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.