ALAMIN: Bakit may agam-agam ang ilan sa bakuna mula Russia? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit may agam-agam ang ilan sa bakuna mula Russia?

ALAMIN: Bakit may agam-agam ang ilan sa bakuna mula Russia?

Kristine Sabillo,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako ng gobyerno ng Russia na bigyan ang bansa ng bakuna kontra COVID-19.

"Ito, tingin ko kay President [Vladimir] Putin, tulong niya sa atin, libre. Kaya ngayon, tinatanggap natin, at kung ano ang supply, mag-usap pa kami... Pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat 'yan, in public, magpa-injection ako. Ako 'yung maunang maeksperimentuhan. Okay para sa akin," ani Duterte sa isang public address noong Lunes.

Nauna nang sinabi ng Russian ambassador na handa silang mag-supply ng bakuna sa Pilipinas at magkaroon ng production nito sa bansa.

Ang Gamaleya vaccine ng Russia, gawa ng isang government-owned na research facility na suportado ng kanilang defense ministry.

ADVERTISEMENT

Bagaman Hunyo lang nagsimula ang phase 1 o safety trials ng bakuna, makakakuha na ito ng regulatory approval ngayong buwan.

Nitong Martes ng hapon, inanunsiyo ni Putin na narehistro na nila ang bakuna sa Russia.

Ngunit may ilan ring nagpahayag ng agam-agam dahil sa bilis ng kanilang proseso.

Ayon sa vaccine panel ng Department of Science and Technology, dahil may pandemya, pinapayagan na ang pagsasabay-sabay ng clinical trials pero mas mabilis pa rin sa karaniwan ang pag-apruba ng Russia.

"Kaya siguro mabilis kasi yung mga military siguro ang binabakunahan nila kaya madaling makuha ang required participants... So pwede nilang sinabay sabay yun. Pero still I would put at least 3 months bago mo masabi. May possibility naman. Still it’s very fast," ani Dr. Nina Gloriani, head ng DOST COVID-19 vaccine technical panel.

Sa listahan ng World Health Organization, nangunguna sa vaccine development ang Oxford vaccine mula United Kingdom, Sinovac at Sinopharm mula sa China, at Moderna vaccine sa United States na pare-parehong nasa phase 3 na o malawakang clinical trials.

Ayon kay Gloriani, inaantay na lang ang submission ng Sinovac ng China sa Food and Drug Administration para masimulan na ang clinical trials sa Oktubre.

Sinabi rin ni Gloriani na bagaman nag-volunteer si Duterte para sa clinical trials, may protocol din ang mga gustong sumailalim dito.

"Yung mauuna 18 years old to 59. Pag medyo ayos na ang resulta doon at successful, safe and can protect, pwede na tayong magbakuna sa special groups na tinatawag, halimbawa elderly... Kung papasa sya. Kasi may checklist yun. Why not," ani Gloriani.

Siniguro naman ni Gloriani na puspusan ang kanilang pagsusuri sa mga bakunang gustong mag-clinical trials sa bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.