Admin office ng Negros Occ. Provincial Health Office, sarado pa dahil sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Admin office ng Negros Occ. Provincial Health Office, sarado pa dahil sa COVID-19

Admin office ng Negros Occ. Provincial Health Office, sarado pa dahil sa COVID-19

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Isinailalim sa disinfection ang buong compound ng Provincial Health Office ng Negros Occidental matapos na magpositibo ang isang nurse sa COVID-19. Larawan mula kaya Ricky Filoteo

Mananatiling sarado ang administrative office ng Provincial Health Office sa Negros Occidental habang patuloy ang disinfection sa compound at habang hindi pa lumalabas ang resulta ng COVID-19 test ng mga empleyado nito.

Ayon kay Atty. Rayfrando Diaz, Provincial Administrator, pansamantalang itinigil ang trabaho nitong Lunes matapos na magpositibo ang isang field nurse ng Department of Health.

Bilang precautionary measure, minarapat na isara ang PHO compound para makapag-disinfect at makapag-sanitize.

Sinabi ni Diaz na paminsan-minsan lang pumupunta sa PHO ang nag-positibong nurse na taga-Barangay Banago sa Bacolod City dahil sa field duty nito.

ADVERTISEMENT

Isinailalim na rin sa swab test at naka-isolate na ang kaniyang close contacts.

Sabi ni Diaz, may 20 na mga personnel na nagtatrabaho sa administrative office ng PHO, pati na sa DOH, ang isinailalim din sa swab test at naka-home quarantine.

Mananatiling nakasara ang admin office ng PHO hanggang sa ma-release ang kanilang swab test result.

Apektado rin ang operation ng Provincial Social Welfare and Development Office dahil nasa compound din ang naturang opisina. Pero nagbalik-operasyon na ito matapos ang isinagawang sanitation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.