25 COVID-19 cases tinutunton sa Paranaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
25 COVID-19 cases tinutunton sa Paranaque

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 11:40 AM PHT
|
Updated Aug 11, 2020 11:44 AM PHT

MAYNILA - Nasa 25 ang active cases ng coronavirus disease na kasalukuyang tinutunton ng contact tracing teams ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City.

Sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na tinatrabaho na ang mga COVID-19 cases ng kanilang City Epidemiological and Surveillance Unit (CESU) para malaman kung saan residente ang mga ito para makapagsagawa ng contact tracing sa kanilang mga posibleng nakasalamuha.

Ayon kay Olivarez, ang naturang bilang ay kabilang sa kabuuang 654 active cases sa lungsod.

"Ito po ang challenges na nangyayari sa bawat city. Ito po ang mga pasyenteng hindi within the city nagpa-check-up. Ito po ay outside ng city. Minsan ang data nito nanggagaling sa Department of Health," sabi ni Olivares.

Samantala, ikinagulat naman ng alkalde ang magkakaibang datos ng bilang ng lumabas na new active cases para sa lungsod sa listahan na mula sa DOH.

"Kami nagulat, kasi ang aming CESU nagko-coordinate 'yan sa Regional Epidemiological and Surveillance Unit, kaya di nagta-tally. Kami ay makikipag-coordinate sa aming RESU," sabi ni Olivarez.

Base sa kanilang CESU nitong Agosto 10, nasa 654 ang active cases at 53 ang bilang ng new cases. Malaki ang kaibahan nito sa numerong inilabas ng DOH sa parehong petsa para sa lungsod na 1,589 active cases at 127 naman ang new cases.

Paliwanag ni Olivares na ang kanilang CESU rin ang in-charge sa 140 contact tracing teams ng lungsod kung saan ang mga miyembro umano nito ay ang mga kasapi ng itinatag na Barangay Health Emergency Response Team.

Dagdag niya na ang kanilang record sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay ina-update kada alas-6 ng gabi.

Read More:
Paranaque
Paranaque Mayor Edwin Olivares
Parañaque contact tracing teams
Parañaque COVID-19 updates
COVID-19
COVID19
coronavirus disease
coronavirus
DOH
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT