13 pagkamatay sa dengue naitala sa Pangasinan mula Enero | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

13 pagkamatay sa dengue naitala sa Pangasinan mula Enero

13 pagkamatay sa dengue naitala sa Pangasinan mula Enero

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

DAGUPAN CITY, Pangasinan — Bukod sa COVID-19, binabantayan din ngayon ng provincial health office dito ang pagtaas ng kaso ng dengue lalo ngayong tag-ulan at may pandemya.

Bagama't nasa 1,671 ang kaso ng dengue ngayong taon o 50 porsiyento na mas mababa kumpara noong 2019, nasa 13 naman ang naitalang nasawi mula Enero hanggang Agosto sa lalawigan.

Dengue cases sa Pangasinan:

  • 2020 → 1,671 kaso - 13 deaths
  • 2019 → 3,127 kaso - 10 deaths

Pinakabata sa mga namatay ang 6 na buwang gulang na sanggol.

Paliwanag ng provincial health office, isa sa mga rason kung bakit tumaas ang kaso ng nasawi sa sakit na dengue ay ang kawalan ng access sa transportasyon noong kasagsagan ng quarantine at kakaunti ang supply ng dugo na nakukuha.

ADVERTISEMENT

Kaya, sa bawat ospital o health centers, mahigpit na ipinapatupad ang triaging system, kung saan sinusuring mabuti ang mga pasyente.

"Dito po, sinasala kung ikaw po ay may pag-ubo, pagsipon at kung pneumonia po ba ang presentation mo. Sine-separate po ang area mo kung saan ka tinitingnan," paliwanag ni Dra. Anna de Guzman, provincial health officer ng Pangasinan.

Meron ding nakatalagang dengue lane.

Binabantayan ang 9 bayan at 1 siyudad na nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue sa Pangasinan.

Dengue watchlist areas sa Pangasinan:

  • Bugallon → 196
  • Dagupan City → 99
  • Binmaley → 72
  • Dasol → 68
  • Sta. barbara → 50
  • Manaoag → 48
  • Aguilar → 33
  • Burgos → 31
  • Mangatarem → 31
  • Urbiztondo → 17

Muling isinusulong ng probinsya ang "4-S" kontra dengue:

  • Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok
  • Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue
  • Sarili ay proteksyunan laban sa lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na may mahahabang mangas, at paggamit ng mosquito repellent
  • Sumuporta lamang sa fogging o misting kapag may banta na ng outbreak sa lugar

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.