Health workers natuwa na nadagdagan sila sa pagtugon sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Health workers natuwa na nadagdagan sila sa pagtugon sa COVID-19

Health workers natuwa na nadagdagan sila sa pagtugon sa COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Noong nakaraang linggo, humiling ng "time out" ang medical frontliners dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 na dahilan para mapuno ang ilang mga ospital.

Ayon kay Philippine Medical Association President Jose Santiago, hindi pa ramdam ang decongestion sa mga ospital pero malaking tulong na ang dagdag sa workforce.

"Maaaring maramdaman mo 'yong dramatic, maybe in the next 3rd or 4th week, or probably beyond that kasi diyan natin makikita 'yong mga naging positive COVID-19 cases," ani Santiago.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaki ang naitulong ng hiniling na time out, na nauwi sa muling pagsasailalim sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan sa modified enhanced community quarantine.

ADVERTISEMENT

Mabilis na ngayong napupunan ang kakulangan sa health care workers sa ibang probinsiya habang nagpapatuloy ang emergency hiring.

Bumuo na rin ang Department of Health ng work force na titingin sa kapakanan ng medical workers at dagdag benepisyo sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Ayon kay Santiago, maganda rin ang ipinatupad na One Hospital Command Center dahil kailangang mabawasan ang pagpunta ng mga tao sa ospital o ibang health care facilities.

Ayon naman sa psychiatrist na si Bernadette Manalo, pagod, nagkakasakit din, at nawawalan ng pag-asa ang ilang health workers sa patuloy na buhos ng mga pasyente.

"Mayroon ngang isang doktor na nagsabi na gusto niyang itapon 'yong kaniyang cellphone kasi sa sobrang pagod," ani Manalo.

ADVERTISEMENT

"Tao lang tayo, nagkakaroon din ng episodes na exhaustion," dagdag niya.

Para kay Manalo, dapat ituloy lang ang mahigpit na quarantine measures habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.

Patuloy namang nakiusap ang medical frontliners sa publiko na sumunod sa health protocols para unti-unti umanong magtagumpay ang bansa laban sa pandemya.

-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.