P4.3 bilyong halaga ng shabu, nasamsam sa Manila port | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P4.3 bilyong halaga ng shabu, nasamsam sa Manila port

April Rafales,
ABS-CBN News
Published Aug 07, 2018 11:35 PM PHT
|
Updated Aug 15, 2019 04:17 PM PHT

MAYNILA (UPDATED)- Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P4.3 bilyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port nitong Martes.

Nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang nasa 500 kilong shabu na nakatago sa mga magnetic lifter sa loob ng mga container.

"Sinubukan namin ang K9 dito unfortunately hindi kaya kaya ang ginawa binutasan para mabuksan. Nung nabuksan na, we had the K9 again and positive nag-react 'yung K9 dogs," ani PDEA Director General Aaron Aquino.

Ayon sa PDEA, Hulyo 2 pa lang ay may impormasyon na sila tungkol sa mga kargamentong may laman na shabu na nakapasok sa Pilipinas.

Nakipag-coordinate sila sa BOC na nakatanggap din ng tip.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, dumating ang mga container mula Malaysia noong Hunyo 28, pero walang nag-claim kaya inilabas ng port collector ang notice of abandonment.

"If the shipment is abandoned, it is due for opening. We received that information from PDEA that a certain shipment contains illegal drugs shipment. When we opened it, ito yung nakita na laman," aniya.

Nakadeklara na door frame ang laman ng mga container para sa Vecaba Trading na hindi accredited ng BOC.

May mga inimbitahan ding chemists para suriin ang mga shabu.

Kinumpirma ng PDEA na konektado ang mga droga sa isang grupong 7 taon na nilang tinutunton.

"We know that Malaysia is also a transhipment country just like the Philippines. Idinadaan muna sa Malaysia," dagdag ni Aquino.

Samantala, 5 container ng bulok at nangangamoy nang karne ng manok ang nakatakdang ibaon sa lupa ng BOC.

Ayon sa BOC, 2014 nang dumating sa bansa ang mga karne mula USA na nagkakahalaga ng P7.5 milyong, pero wala umanong maipakitang permit ng Bureau of Animal Industry.

"It imposes hazard or danger to health. It can’t be released because again it was imported without the permit of the Bureau of Animal Industry," ani Atty. Gerald Turiano, supervising customs operation officer ng BOC.

Dadalhin sa Cavite ang mga karne para ibaon sa lupa. Pero bago nito, nilagyan ng mga kemikal ang bulok na karne para mabawasan ang masangsang na amoy.

Sinira din kanina ang nasa P250,000 na halaga ng mga abandonadong ukay-ukay mula sa port of Subic.

Read More:
Tagalog news
drugs
shabu
Manila International Container Port
Malaysia
Philippine Drug Enforcement Agency
PDEA
Bureau of Customs
BOC
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT