Kontrobersyal na Espenido may 'special award,' ililipat sa bagong 'target' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kontrobersyal na Espenido may 'special award,' ililipat sa bagong 'target'

Kontrobersyal na Espenido may 'special award,' ililipat sa bagong 'target'

Henry Atuelan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 07, 2017 11:20 AM PHT

Clipboard

Police Chief Senior Inspector Jovie Espenido answers questions during the senate hearing on illegal drug trade. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Tatanggap ng parangal ang hepe ng Ozamiz City police na si Chief Inspector Jovie Espenido dahil sa pagbaba ng mga aktibidad na may kinalaman sa ilegal na droga sa siyudad.

Si Espenido ay tatanggap ng "special award for anti-illegal drugs campaign."

Pero paglilinaw ni Philippine National Police chief, Director General Roland "Bato" dela Rosa, ang parangal ay hindi dahil sa pagkakapatay kay Mayor Parojinog.

"Hindi pa nangyari yung Ozamiz incident, kasama na si Espenido sa list of awardees for his accomplishments sa drug operations sa Albuera at Ozamiz. Significantly nag-drop 'yung drug activities sa Ozamiz dahil sa kanyang pamumuno," ani Dela Rosa.

ADVERTISEMENT

Naging kontrobersyal si Espenido matapos niyang pamunuan ang raid sa mga bahay ng mga Parojinog na nagresulta sa pagkamatay ng alkalde na si Reynaldo at 14 iba pang umano'y nanlaban.

Bukod sa pagkakapatay kay Mayor Parojinog, nahuli rin sa nasabing raid si Vice Mayor Nova Parajinog at si Reynaldo Jr., mga anak ng namayapang alkalde.

Bago mailipat sa Ozamiz, tumayo munang hepe ng Albuera, Leyte si Espenido nang mga panahong napatay sa isa ring raid sa loob ng kulungan ang noon ay alkaldeng si Rolando Espinosa na umano'y nanlaban din.

Sabi ni Dela Rosa, Pinag-aaralan na ng PNP kung saan susunod na ipupuwesto si Espenido. Kinukumpirma na aniya ng pulisya kung saang lugar ang susunod na target ng PNP para doon nila maipuwesto ang opisyal.

Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, maraming may "request" na mailipat sa kanilang lugar si Espenido pero sa ngayon ay tinatapos muna nila ang mga usapin sa naging raid sa Ozamiz.

"Mag-determine muna tayo kung sino'ng next na target, doon natin siya ilipat. Hintay muna tayo. I-validate muna natin kung saan siya puwedeng ilipat," ani Dela Rosa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.