La Union mayor nagtataka kung paano nasama sa 'drug list' ni Duterte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

La Union mayor nagtataka kung paano nasama sa 'drug list' ni Duterte

La Union mayor nagtataka kung paano nasama sa 'drug list' ni Duterte

ABS-CBN News

Clipboard

Bauang Mayor Martin de Guzman of La Union province gives his state of the municipality address on July 28. Photo from Bauang, La Union Facebook page

MANILA - Masama ang loob ni Bauang, La Union Mayor Martin de Guzman sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga umano'y protektor ng iligal na droga.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni De Guzman na nagtataka siya kung paano nadawit ang kanyang pangalan sa listahan.

"Nakakasama po ng loob kasi iyung mga anak ko, pamilya ko, parang naglaho po iyung kinabukasan ng aming pangalan dahil lamang po dito sa aming pagkakadawit.

"Hindi ko naman po alam kung paano ako napabilang sa sinabi ng Presidente," hinaing niya.

ADVERTISEMENT

Matagal na anya siyang alkalde ng Bauang at kilala umano ng kanyang mga kababayan ang kanyang kampanya laban sa bawal na gamot.

Nilinaw ni De Guzman na handa siyang magtungo sa Camp Crame, pero hindi para sumuko at kundi ay para linisin ang kanyang pangalan.

DZMM TeleRadyo, 7 Agosto 2016

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.