Marcos, ililibing sa Libingan sa Sept. 18: PhilStar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marcos, ililibing sa Libingan sa Sept. 18: PhilStar

Marcos, ililibing sa Libingan sa Sept. 18: PhilStar

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Handa na ang lahat para sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig sa Setyembre 18.

Ito ang isiniwalat ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagsabing katunayan ay sinisimulan na ng kanilang pamilya ang mga preparasyon para sa interment rites, kabilang ang pagbibigay ng military honors sa kanilang ama.

Sa report ng pahayagang Philippine Star, sinabi ng senador na nagbigay na ng go-signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pamilya para mailibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani, isang desisyong matagal nang naging kontrobersyal dahil sa pagprotesta ng mga pamilya ng mga desaparecidos noong panahon ng Batas Militar.

Martial Law victims' names placed at Marcos' grave

Inaayos na umano ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang gagawing seremonya sa Ilocos dahil tiyak nilang magagalit ang mga Ilocano kung hindi dadalhin ang labi ng kanilang ama sa Sarrat at Paoay habang siya ay nakikipag-ugnayan sa protocol team ng Sandatahang Lakas para sa 21-gun salute at funeral cortege.

Nang tanungin kung bakit Setyembre 18 ililibing ang nakatatandang Marcos at hindi sa Setyembre 11 na kaarawan nito, sabi ng dating senador na gusto niyang magkaroon ng panibagong selebrasyon para sa ama.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.