Parojinog, muntik magsubo ng papel sa Ozamiz raid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Parojinog, muntik magsubo ng papel sa Ozamiz raid

Parojinog, muntik magsubo ng papel sa Ozamiz raid

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2017 08:04 PM PHT

Clipboard

Iginiit ng abogado ng pamilya Parojinog na hindi ilegal na droga ang akmang isusubo ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog nang halughugin ang kaniyang bahay sa Brgy. San Roque, Ozamiz City nitong Linggo, Hulyo 30.

Nakuhanan sa video ang paghahalughog noon ng mga pulis sa mga gamit ng bise alkalde hanggang sa nakuha nila ang isang berdeng bag.

Sa puntong iyon, biglang hinablot ni Parojinog ang isang papel.

Nakipag-agawan sa kaniya ang mga pulis. Pero pilit na nagpupumiglas si Vice Mayor na akmang isusubo ang papel.

ADVERTISEMENT

Kuha sa papel na tinangkang isubo ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng mga Parojinog, walang shabu sa papel na iyon.

Isisiwalat din daw nila ang tungkol sa papel na iyon sa tamang panahon.

Ayon kay Ozamiz City Police Chief Insp. Jovie Espenido, hindi man shabu pero maaaring mahalagang ebidensiya iyon sa sinasabing koneksiyon ng pamilya sa ilegal na droga.

Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group ang nasabing papel.

Samantala, sinampahan na ng Department of Justice (DOJ) ng patong-patong na kaso ang magkapatid na Nova Princess at Reynaldo Parojinog Jr.

Nakitaan ng sapat na basehan para kasuhan ang magkapatid ng illegal possession of firearms and ammunition, at possession of dangerous drugs. May dagdag kasong illegal possession of explosives si Reynaldo na nakuhanan umano ng granada noong raid.

Ayon sa DOJ, hindi lisensiyado ang magkapatid na mag-ari ng anumang uri ng baril, pero nasamsam sa kanila ang matataas na kalibre ng baril.

Nasamsam din ang shabu mula sa raid.

-- Ulat nina Kori Quintos at Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.