#WalangPasok: Suspensiyon ng klase ngayong Huwebes, Agosto 3, 2017

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2017 06:16 AM | Updated as of Aug 03 2017 08:33 AM

MAYNILA (2nd UPDATE) - Nagsuspinde na ng klase ang ilang lugar dahil sa malalakas na pag-ulan ngayong Huwebes, Agosto 3.

Kabilang sa mga lokal na pamahalaang nag-anunsiyo na ng suspensiyon ng klase ang mga sumusunod: 

Cavite City (lahat ng antas, public at private)
Antipolo City, Rizal (lahat ng antas, public at private)
Baras, Rizal (preschool-high school, public at private)
Binangonan, Rizal (preschool-high school, public at private)
Cainta, Rizal (lahat ng antas, public at private)
Cardona, Rizal (lahat ng antas, public at private)
Jala-Jala, Rizal (lahat ng antas, public at private)
Taytay, Rizal (lahat ng antas, public at private)
Tanay, Rizal (lahat ng antas, public at private)
Teresa, Rizal (preschool-high school, public at private)
Valenzuela City (Palasan Daycare, Balangkas Daycare, Coloong Daycare)

College of San Benildo-Rizal (kinder hanggang senior high)
U.E. sa Maynila at Caloocan (kinder hanggang senior high)
#WalangPasok

Una nang sinabi ng PAGASA sa 4 a.m. weather forecast na makararanas pa rin ng hanggang katamtaman na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa habagat.

Pinalalakas rin ng bagyong Noru sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang habagat, ayon sa state weather bureau. Bukod sa mga pag-ulan, asahan din ang thunderstorms sa malaking bahagi ng bansa.

Para sa latest sa lagay ng panahon, tumungo sa ABS-CBN Weather Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.