#WalangPasok: Suspensiyon ng klase sa Miyerkoles, Agosto 2

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2017 05:49 AM | Updated as of Aug 02 2017 02:25 PM

Walang pasok sa mga sumusunod na lugar ngayong Miyerkoles, Agosto 2, dahil sa masamang lagay ng panahon.

Lahat ng antas, public at private

  • Dasmariñas, Cavite
  • Imus, Cavite
  • Buong lalawigan ng Laguna
  • Las Piñas City
  • Baras, Rizal
  • Cainta, Rizal
  • Morong, Rizal
  • Taytay, Rizal
  • Teresa, Rizal

Mula pre-school hanggang senior high school, public at private

  • Angono, Rizal
  • Antipolo, Rizal
  • Tanay, Rizal

Mga panghapon na klase mula preschool hanggang senior HS, public at private

  • Bacoor, Cavite

Mga panghapon na klase mula elementary hanggang senior HS, public at private

  • Buong lalawigan ng Cavite

Mga panghapon na klase sa lahat ng antas, public at private

  • Muntinlupa

Nitong nakaraang linggo, nagpaulan ang mga bagyong "Gorio" at "Huaning" sa malaking bahagi ng bansa.

Nakaalis na ang 2 sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility, pero patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa habagat, ayon sa PAGASA.

Bumisita sa ABS-CBN Weather Center para sa updates tungkol sa lagay ng panahon.