Viral: Pag-uulat ng 'tulak' o adik sa PNP, puwedeng i-drop box | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Viral: Pag-uulat ng 'tulak' o adik sa PNP, puwedeng i-drop box

Viral: Pag-uulat ng 'tulak' o adik sa PNP, puwedeng i-drop box

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 01, 2017 12:23 AM PHT

Clipboard

Viral sa social media ang kuha ng isang netizen sa isang Philippine National Police (PNP) drop box sa isang barangay sa Quezon City.

Maaaring maghulog ang mga residente sa naturang drop box ng mga pangalan ng mga pinaghihinalaang lulong o tulak ng droga.

Ayon kay Brgy. Captain Anna Millonado, epektibo ito para sa paglutas ng problema sa droga ng kaniyang barangay.

"Nakipag-coordinate kami sa PNP to have it in our barangay at masaya kaming ibalita na kami ay isa sa mga drug-free barangay ng Quezon City," ani Millonado.

ADVERTISEMENT

Suportado naman ng mga residente ng barangay ang programa laban sa droga. Pero may ilang residente ang nangangamba na baka magamit ng mga pasaway ang PNP drop box.

Pahayag ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, noong isang taon pa niya iniutos sa lahat ng barangay sa Quezon City na maglagay ng PNP suggestion drop box na hindi lamang humihikayat na mag-ulat tungkol sa droga kundi pati ibang krimen.

Siniguro rin ni Eleazar na dumaan sa beripikasyon ang mga impormasyong ibinibigay ng mga mamamayan.

Dagdag pa ni Eleazar, bahagi rin ng kampanya ng Quezon City Anti-drug Abuse Council ang paglalagay ng mga PNP drop box.

Bukod sa drop box, maaari ring mag-text sa PNP Txt 09178475757 para sa anumang impormasyon tungkol sa anumang krimen.

--Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.