TINGNAN: P300,000 halaga ng marijuana, nasabat sa Iligan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: P300,000 halaga ng marijuana, nasabat sa Iligan

TINGNAN: P300,000 halaga ng marijuana, nasabat sa Iligan

Roxanne Arevalo,

ABS-CBN News

Clipboard

ILIGAN CITY - Nasabat ng National Bureau of Investigation ang mahigit P300,000 halaga ng marijuana mula sa isang umano'y dealer sa Barangay Tibanga sa siyudad na ito Lunes ng madaling araw.

Ayon kay NBI acting head agent Atty. Jamal Dimaporo, nakatanggap sila ng impormasyon na magkakaroon ng ilegal na transaksiyon sa lugar habang umiiral ang curfew.

Arestado sa operasyon ang 3 lalaki, kabilang ang isang menor de edad.

Dagdag pa ni Dimaporo, isa sa mga naaresto ay isang estudyanteng nailigtas nila mula sa mga nagtangkang dumukot sa kanya dalawang taon na ang nakakalipas.

ADVERTISEMENT

"May ugong ugong that time na actually he was not kidnapped but kinuha siya because of the some utang sa ganitong kalakaran," ani Dimaporo.

Kinilala rin ang isang suspek bilang anak ng isang may mataas na posisyon sa pamahalaan.

Nakuha mula sa mga arestado ang isang bungkos at 133 pakete ng tuyong dahon ng marijuana na may halagang mahigit P300,000. Galing umano sa Mati, Davao Oriental ang marijuana.

Itinanggi naman ng mga naaresto na may kaugnayan sila sa ilegal na droga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.