Motorsiklo sinalpok ng SUV; 3 rider patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Motorsiklo sinalpok ng SUV; 3 rider patay

Motorsiklo sinalpok ng SUV; 3 rider patay

ABS-CBN News

Clipboard

ALBAY - Tatlo ang patay sa salpukan ng SUV at motor sa bayan ng Malinao, Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang drayber ng motorsiklo na si Pedro Clet, 54; gayundin ang dalawang angkas nito na sina Josely Cuentas, 43; at Jose Cantor, 52.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang aksidente sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Cabunturan bandang alas-5:00 ng hapon nang umano'y kainin ng SUV ang linya ng motor.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon pa ang mga biktima at nagtamo ng matitinding sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan, dahilan para agad mamatay ang mga ito.

ADVERTISEMENT

Lumabas rin sa imbestigasyon na walang helmet ang dalawang angkas sa motorsiklo. Si Clet naman, ang drayber, ay isang retiradong pulis sa probinsiya ng Albay.

Samantala, lumitaw naman sa pagsusuri ng pulisya na nasa impluwensiya ng alak ang driver ng SUV na kinilalang si Jimmy Borlagdan, 53.

Aminado ang drayber na nakainom siya at nakatulog habang nagmamaneho. Giit niya, ilang araw na siyang walang tulog dahil sa pagbabantay sa lamay ng kapatid na naaksidente rin sa Saudi.

Humihingi naman si Borlagdan ng paumanhin sa naulila ng mga biktima. Galing sa isang palayan sa bayan ng Malinao ang mga biktima at pauwi na sa na sa kanila sa Tiwi nang maaksidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.