Ilang paaralan sa Pampanga, lubog pa rin sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang paaralan sa Pampanga, lubog pa rin sa baha

Ilang paaralan sa Pampanga, lubog pa rin sa baha

Trisha Mostoles,

ABS-CBN News

Clipboard

MASANTOL, Pampanga - Lubog sa baha ang ilang mga silid-aralan at mga kabahayan sa Barangay Sagrada Familya Sabado dahil sa walang-tigil na pag-ulan noong mga nakaraang araw.

Sa tala ng mga disaster officials ng Pampanga, nasa 25 barangay mula sa bayan ng Apalit, Macabebe at Masantol ang lubog pa rin sa baha bagamat bumalik na sa normal ang lebel ng tubig sa mga kalapit na ilog.

Inaasahang kakanselahin ang mga klase sa mga paaralang apektado ng pagbaha hanggang sa humupa na ang tubig.

Ayon sa mga opisyal, inaasahan na huhupa ang baha sa loob ng isang linggo.

ADVERTISEMENT

Nakaranas ang Pampanga at iba pang bahagi ng Luzon ng mga pag-ulan ng mga nakaraang araw bunsod ng habagat na pinaigting pa ng Bagyong Gorio.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.