Army reservist suspek sa pagpatay sa siklista sa Quiapo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Army reservist suspek sa pagpatay sa siklista sa Quiapo

Army reservist suspek sa pagpatay sa siklista sa Quiapo

Dennis Datu,

DZMM

 | 

Updated Jul 27, 2016 02:39 PM PHT

Clipboard

MANILA - Pinangalanan ng Manila Police District (MPD) Miyerkules ang isang Army reservist bilang suspek sa pamamaril sa isang lalaking nagbibisikleta sa Quiapo, Manila nitong Lunes.

Kinumpirma ni Sr Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD Homicide Division, na si Vhon Tanto ang pangunahing suspek sa pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Geralde.

Opisyal na ring isinapubliko ng MPD ang mga larawan ng suspek.

Una nang kumalat sa social media ang mga larawan ng 39-anyos na si Tanto.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagiging reservist ng Philippine Army, nagtatrabaho si Tanto bilang repairman ng motorsiklo.

Natunton ang suspek base sa kuha ng CCTV camera ng barangay.

Positibo rin siyang kinilala ng isang testigo.

Binalikan ng MPD Homicide Division ang bahay ng suspek sa Praternal Street, Barangay 385, Zone 39 sa Quiapo.

Pero mula nang mangyari ang insidente ay hindi na umano ito nakita sa lugar, maging ang kanyang Hyundai Eon.

Naka flash alarm na ang naturang sasakyan.

Nanawagan ang MPD kay Tanto na sumuko na.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.