Pagtirik ng mga truck, sinisi sa towing company | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagtirik ng mga truck, sinisi sa towing company

Pagtirik ng mga truck, sinisi sa towing company

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2017 12:05 AM PHT

Clipboard

Inireklamo ng 12 truck drivers na niluluwagan o di kaya ay binubutas umano ang hose ng kanilang krudo para tumirik ang kanilang sasakyan at ma-tow ang mga ito.

Pinagbibintangan ng mga driver ang ilang towing company na maaaring humila sa sasakyang hihinto sa bawal na lugar. May bayad ang pagtubos o pagbawi sa sasakyang na-tow.

Sa operasyon nitong Miyerkoles ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic sa Camachile, Quezon City, inabutan nila ang mga truck na nakabalagbag sa kalye.

Reklamo ng mga truck driver, tumitirik ang kanilang sasakyan dahil binubutas o niluluwagan umano ang hose ng kanilang krudo at ang towing truck na accredited ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang itinuturo nilang may pakana nito.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga driver, sa bahagi ng Mindanao Avenue at A. Bonifacio sila nabubutasan ng mga hose habang nakahinto sa mga stop light.

Sabi pa ng driver na si Rodrigo Nabas, mga bata ang inuutusang bumutas sa mga hose.

Ayon sa QCPD Traffic, madalas na rin silang nakakatanggap ng ganitong reklamo.

Tumakas naman ang driver at pahinante ng towing truck na inirereklamo. Inabandona rin nila ang kanilang truck.

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, sususpindehin nila ang mga towing truck na sumisira sa pangalan ng ahensiya.

Hinimok naman ng QCPD na magsampa na rin ng reklamo ang iba pang nabiktima ng towing truck. Dalawang towing company rin ang iniimbestigahan nila ngayon.

Nakatakdang sampahan ng kaso ng QCPD ang mga driver, pahinante at may-ari ng mga inirereklamong towing company.

Makikipag-ugnayan din ang MMDA sa QCPD para matigil na ang modus na ito.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.